Di Kilalang Babae, Binilhan ng Gatas ang Kawawang Mag-Ina na Kapos sa Pera, Makalipas ang Ilang Taon, Sila ay Muling Nagkita.

Si Lydia ngayon ang naiwang mag-aalaga sa panganay niyang anak na si Lilac dahil ang kaniyang asawa ay nagtatrabaho sa abroad.

Apat na buwang taong gulang pa lamang si Lilac, mabuti nga at pinayagan na siya ng kaniyang asawa kung maaari silang kumuha ng yaya upang mayroon na siyang katuwang sa pag-aalaga at pagbabantay sa kanilang anak. Hindi naman din problema ang pagbibigay ng sahod dito dahil malakas naman ang kita ng kaniyang asawa sa abroad.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Noong una’y sinabi ni Lydia sa kaniyang asawa na kaya naman niyang mag-isang mag-alaga sa kanilang anak, ngunit, matapos ang kaniyang panganganak ay bigla naman nanghina ang kaniyang katawan. At ngayon na kahit ayos na siya ay nakakagalaw na, hindi na nila pinaalis ang yaya dahil mabait naman ito at talagang maaasahan pa.

Young mother with little daughter choosing green vegetables in grocery store — together, choice - Stock Photo | #187520550

Isang araw, namalengke si Lydia kasama ang kaniyang anak at ang yaya nito dahil bibisita ang kaniyang mga biyenan sa bahay nila mamaya.

Naisip ni Lydia na isabay na ang pagbili ng gatas ni Baby Lilac sa kaniyang paggo-grocery. Nang kumukuha na siya ng kahon ng gatas, napansin niya sa kaniyang gilid ang isang nanay na nakatingin lamang sa mga gatas habang may karga kargang bata.

Sa tingin ni Lydia ay ka-edad lamang ni Lilac ang baby kaya naman napangiti siya. Makalipas ang ilang segundo, nakatingin pa din sa mga gatas ang babae habang ang sanggol ay umiiyak na.

Mom and daughter in the supermarket photo by GeorgeRudy on Envato Elements

Kaagad namang kinuha ni Lydia ang gatas dahil kailangan na niyang makauwi agad dahil magluluto pa siya. Ngunit, nang siya ay nakapila na upang bayaran ang mga pinamili, nagulat na lamang siya dahil nasa unahan niya ang babaeng nakita niya kanina na may buhat na sanggol. Ngunit, medyo matagal ang naging pila ng babae dahil nagagalit ang cashier dito.

Rinig niyang sabi ng cashier, “Ma’am, kung hindi ho pala kayo sigurado na bibilhin nyo ito sana ay hindi nyo dinampot.”

Napahiya naman ang babae para sa tinuran ng cashier lalo na at medyo maraming tao nang mga oras na iyon, ngunit, kung tutuusin ay sinkwenta pesos lang naman ang maliit na pack na gatas na nabili ng babae.

Paghingi ng paumanhin ng babae,

“Pasensya ka na miss, kasi sabi roon sa price tag na nakakabit sa estante ay 45 pesos lang.. Saktong kuwarenta’y singko lang pera ko.”

Pagsusungit ng cashier,

“Limang piso lang ay nakakaabala po kayo ma’am, wala pa naman ang bisor ko rito para baguhin. Kung kailan kasing nai-punch ko na ay aatras kayo.”

Hindi na mapakali nang mga oras na iyon ang babae kung ano ang kaniyang gagawin, lalo pa at umiiyak na din ang sanggol na bitbit nito. Nakaramdam naman ng awa si Lydia para sa babae kaya naman kaagad siyang lumapit sa cashier at inutusan ang bagger na kumuha pa ng tatlong malaking gatas.

“Sige na, i-punch mo na yan. Pati yung mga pinakuha ko, ako na ang magbabayad.”

UK Woman Left 'Shaking' Because Cashier Scanned Items 'Too Fast'

Tila natakot naman ang cashier sa kaniya dahil halata naman na mayaman siya at kayang-kaya niyang isumbong ito para sa tinuran niya sa babae. Labis naman ang pasasalamat sa kaniya ng babae dahil sa kabutihan na ipinakita nito sa kaniya. Hinatid na din ni Lydia ang mag-ina sa tinitirhan nito dahil baka mahirapan pa ang mga ito sa pagbubuhat ng mga gatas na binili niya para sa kanila.

Saad nang babae kay Lydia bago bumaba sa sasakyan,

“H-hindi ko talaga alam kung paano kita pasasalamatan, may pang gatas na ang anak ko. Ano ho palang pangalan nyo?”

“Lydia Herrera, pag may kailangan ang baby sabihin mo lang sa akin. Ito ang number ko. Wala yun! Ano ka ba, ayaw ko lang nakakakita ng kawawang baby kasi ka-edad siya halos ng anak ko. At ang cute-cute ng baby boy na yan, sino ba ang makakatiis dyan ha?” sagot ni Lydia.

Makalipas ang ilang taon, dumaan naman si Lydia at ang kaniyang pamilya sa hirap. Walong taon na rin ang nakakalipas simula nang sumak4bilang buhay ang kaniyang asawa. Kaka-graduate pa lamang ni Lilac noon sa high school. Noong una nga ay akalan iya hindi na makakapagpatuloy pa sa kolehiyo ang anak dahil naubos ang perang naipon sa pagpapagamot ng kaniyang asawa.

Nakapagtapos naman si Lilac ng kolehiyo dahil na din sa tulong ng scholar na natanggap nito. Nakapasok din ito sa isang opisina kaya naman hindi na ganoong kahirap ang kanilang buhay. Sa katunayan nga niyan, napagawan na siya ni Lilac ng sariling bahay. Swerte din si Lilac dahil mayroon siyang mabait at maaasahang nobyo na si Kent.

Mayaman ang binata at mabait pa. Makikita din kung gaano nito kamahal si Lilac. Sa katunayan nga niyan, mas nais ni Kent na ilipat sila sa mas malaking bahay, ngunit, tinanggihan naman ito ni Lilac dahil ayaw niyang samantalahin ang kabaitan ng nobyo, lalo pa at hindi pa sila mag-asawa.

Saad ni Lydia sa anak, “Naalala ko lang ang buhay natin, ang galing anak. Kinaya natin kahit tayong dalawa lang.”

Makalipas ang ilang araw ay namanhikan na si Kent at pamilya nya kina Lydia. Kasama ni Kent ang kaniyang papa at mama. Nang makapasok na sa kanilang bahay, nakangiti naman si Lydia sa pagbati sa mga ito.

Nakangiti lamang sa kaniya ang lalaki ngunit ang babae ay nakatitig sa kaniyang mukha.

“Sandali!” saad ng babae sa kaniya.

Kahit nagtataka man ay napatigil na lamang si Lydia sa kaniyang ginagawa. Napatanong naman si Lydia dito kung mayroon bang problema. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang yakapin ng babae at masayang sinambit,

“Ikaw nga! Lydia Herrera!”

“Ikaw yung babae sa grocery maraming maraming taon na ang nakalipas. Ikaw nga… walang-wala akong pera noon dahil nagkasakit ang asawa ko. Alam mo bang kung hindi dahil sayo ay baka hindi na nabuhay si Kent dahil wala talaga akong maipapakain? Peor pinalakas mo ang loob ko, pinatunayan mo sa akin na palaging may pag-asa. Pag akala mo wala na, may ipapadala ang Diyos para sagipin ka. Ikaw nga.”

Napangiti na lamang si Lydia nang maalala kung ano ang tinutukoy ng ginang. Mayroon pa silang kaya noon sa buhay nang ibili niya ng tatlong malalaking kahon ng gatas ang mag-ina. Hindi niya inakala na ang sanggol pala na tinulungan niya noon ay ang siyang magiging manugang nya.

Saad ni Kent at niyakap si Lydia, “Palagi pong ikinukwento ni Mama sa akin ang tungkol doon, salamat po.”

“Walang anuman iyon, siguro ay pinagtagpo na talaga tayo ng tadhana. Kinailangan kitang sagipin dahil pagdating pala ng panahon ay ikaw rin ang magmamahal at mag-aalaga sa aking anak lalo na pag wala ako,” tanging sagot ni Lydia.

Siguradong magiging matibay ang magiging samahan ng mag-asawa.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment