Hindi lamang sa bansang Amerika ang mayroong lahing puti at itim, sa Pilipinas binubuo rin tayo ng iba’t ibang lahi, may lahing maitim, puti at ang kayumanggi. Sa panahon ngayon na moderno at iba na ang takbo ng mundo, hindi maitatagong mayroon pa ring mga katutubo na naninirahan sa kasuloksulokan ng mundo at mayroong sariling kultura. Kabilang sa mga ito ang mga aeta, na kadalasan ay naging tuksuhan dahil sa kanilang kaibahan, sa kanilang maitim na kulay at kulot na buhok at sa uri ng pananamit.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Noon ay pumipermi lamang sila sa kanilang lugar na sa mga bulubunduking dako ng bansa, subalit ngayon may mga edukado at propesyunal na ring mga aeta na nagtatrabaho sa mga sibilisadong lugar. Isa na rin sa mga dahilan kung bakit may mga aeta na bumababa ng bundok ay dahil sa wala na silang makain doon, dulot rin minsan ng mga ilegal na aktibidad ng mga tao at sa pa iba-ibang klima ng bansa.

Katulad rin natin, kapag hindi tayo nasanay sa isang lugar mas naging delikado ang ating kalagayan dahil sa malaki ang tsansang maloko tayo at kutyain ng ibang tao. Katulad na lamang sa nangyari sa pamilyang ito sa isang bus station na naging trending rin sa social media matapos makunan ng video ng isang concerned netizen.

Ibinahagi ng netizeng si Mikhael Petito ang pangyayari sa isang pamilya ng aeta na sasakay sana sa airconditioned bus pero hindi ito pinasakay.

Makikita sa larawan na ang pamilyang aeta ay tahimik na nag aabang sa dadaang bus, subalit ilang beses ng pumara sila ay hindi man lamang binigyan ng pagkakataong makasakay. Payak ang kanilang kasuotan at may mga bag na dala-dala sa likuran na siguro ay kanilang mga damit at iba pang importanting kagamitan. Dahil sa nangyari sa kanila, isang netizen ang nagbigay ng tulong at yun ay si Petito kung kaya’t nakasakay sila sa isang mini bus na dumaan.

Dahil sa nangyaring ito, ipinagbigay alam ni Petito sa pamunuan ng Victory Liner ang nasaksihang pangyayari at ipinaalala ang pagkakaroon ng mamamayang Pilipino ng pantay na karapatan kahit na ibang lahi pa man.

“Hi Victory Liner Inc,. may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay?

Agad namang tumugon ang kompanya ukol sa reklamo ni Pepito at nangangakong bibigyang pansin ito.

” I agree with you, that all of the PUV’s should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aetas are also Filipino’s, are humans therefore they should be treated as one.” sagot ng Victory Liner Company.

Kaya magsilbing aral po sana ito sa ating lahat, na hindi basehan ang panlabas na kaanyu-an ng isang tao para bawalan at limitahan sa kanyang mga karapatan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment