Saludo ako sa mga magulang na ginagawa ang lahat ng hirap para lamang sa kanilang pamilya. Ang sakit lamang sa dibdib na makikita mo talaga silang hirap na hirap sa paghahanapbuhay. Kung yung iba ay umuuwi na tuwing alas 5 ng hapon sa kanilang pamilya upang makasama at makapagpahinga, mayroon namang mga magulang na inaabot pa ng madaling araw at basang basa sa ulan para may madalang salapi sa kanilang pag-uwi.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Talaga ngang magkaiba tayo ng katayuan sa buhay, may mga pinanganak na mayaman na sa kanilang pagmulat, at yung iba ay sala’t sa hirap, pero gayun paman ang Panginoon ay marunong ma awa sa kanyang mga anak na lumalapit at nananalig sa kanya.
Katulad na lamang po sa kalagayan ng isang kamote vendor sa panahon pa ngayon ng pandemya.
Ibinahagi ni Cindz Mallari-Rodriguez kamakailan ang larawan ng isang mama na nakaupo sa gilid at basang-basa dulot ng malakas na buhos ng ulan. Sa harapan niya ay ang mga panindang kamote o sweet potatoes.
Sa iba pang larawan ay makikita naman ang isang bumibili sa mama, kung saan maaaninag na mukhang nanginginig ang tindero sa lamig ng tubig sa kanyang basang damit.
Kaya’t, ani Cindz, sana’y ‘yung mga makakadaan naman sa mama ay bumili. “Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa.”
Nasabi pa nito na hindi sapat na pinakiusapan niya ang kanyang papa na bumili at huwag nang kunin ang sukli. Ito ang dahilan kung bakit niya ibinahagi ang kuwento sa social media.
Sana ay may makabasa ng post na ito at makabili sa kanya, isang malaking tulong na po para sa taong naghahanapbuhay ng marangal para sa kanyang pamilya.
0 comments :
Post a Comment