Isa sa magandang kaugalian ng mga Pilipino ay ang pagiging “hospitable” o ang magiliw tumanggap ng panauhin. Subalit ito ba ay pinapakita lamang ba sa mga bisita o bagong dayo sa ating bayan? Paano kaya kung mga kapitbahay lamang natin ang ating mga bisita, naging magiliw pa ba ang pagtanggap sa kanila?
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Narito po ang kwento ng isang batang naging successful na sa ngayon sa kabila ng mga nangyari sa kanya noong kabataan niya.
Mula sa Keulisyuna.com
Bata pa lamang ay mag kaibigan na sila Bodji at Eboy na kung saan sabay silang nakikinood ng paboritong palabas sa kanilang kalapit bahay na si Aling Gloria.
“Oh, Bodji! Kanina pa kita hinihintay. Malapit na mag simula yung paborito nating palabas!” saad ni Eboy.
“Pasensya na. akala ko nga nahuli na ako eh!” sagot ni Bodji habang hinahabol pa ang hininga mula sa pagkaripas na pag takbo.
Sabay silang pumunta sa may bintana ni Aling Gloria upang makapanood.
Sa sobrang saya ng dalawa ay hindi na nila mapigilang humalakhak sa tawa kaya naman pinag sarhan sila ng bintana ni Aling Gloria.
“Mga bwiset na bata! Wala nang ibang ginawa kung hindi makinood dito!” sigaw ni Aling Gloria sa kanila.
Nakakainis naman si Aling Gloria. Pinag saraduhan nanaman tayo ng bintana. Nakikinood lang naman eh. Palagi na lang niyang ginagawa yan hindi na natin natapos tapos yung palabas” nakasibangot na sambit ni Eboy.
“Hayaan mo na baka mainit lang talaga ulo ni Aling Gloria kaya niya ginawa ‘yon” sagot naman ni Bodji.
Noon naman daw ay hindi naman ganoon ang ugali ni Aling Gloria ngunit simula nang makapag trabaho ang kaniyang panganay na anak sa Maynila at nakabili ng colored na TV ay kala mo sino nang umasta.
Sa kabilang banda, inisip naman ng mga bata na may karapatan itong mag mataas dahil si Aling Gloria lamang ang nakaangat sa kanilang lugar.
Kinabukasan ay sabik nanaman ang magkaibigan na pumunta sa may bintana ni Aling Gloria upang makapanood ng palabas ngunit ganoon pa din ang ginawa ni Aling Gloria. Tahimik na nanonood sila Eboy at Bodji hanggang sa sila ay nahuli ni Aling Gloria.
Muli, pinag dabugan sila ng bintana nito.
“Ano ba yan! Pinag sarhan nanaman tayo” inis ni Eboy.
“Hayaan mo, balang araw hindi na tayo makikinood ng TV sa kaniya” pangungumbinsi ni Bodji.
Labing walong taon na ang nakalilipas nang biglaang may nabalita sa kanilang lugar na tinupok ng apoy ang buong bahay at ni isang gamit ay walang natira. Iyon pala ay ang bahay ni Aling Gloria. Hindi nag dalawang isip tumulong ang nanay ni Bodji na si Aling Elenita.
Napakalaki ng pinag bago ng bahay niyo. Napaka ganda at halatang mamahalin ang mga gamit”
“Ah, ito yung pinag hirapang buoin ni Bodji. Siya yung batang panay nakikinood sa inyo kasama niya si Eboy. Pareho na silang nasa Maynila ngayon.
Si Bodji ay isa nang Manager sa kilalang bangko at Assistant Manager naman si Eboy. Halika manood na lang tayo ng TV para malibang ka” ani ni Aling Ernita
Nagulat muli si Aling Gloria nang makita nito ang laki ng TV nila na tila parang nasa sinehan ka pa!
“Wag kang masyadong malula. Ganiyan talaga ang TV na nais ni Bodji alam mo naman iyon mahilig talaga sa panonood. Sa katunayan ganiyan din ang TV niya sa kaniyang Condo roon”
Napatango na lamang si Aling Gloria sa sambit ng ina ni Bodji. Ang dating mga batang kaniyang pinag dadamutan kahit sa labas ng bahay lang, ngayon ay asensado na sa kani- kanilang buhay. Sa kabila ng kaniyang pag dadamot, hindi pa din nagpadaig ang kabutihan sa kaniya ng kniyang kapwa.
0 comments :
Post a Comment