Lolo na Dalawang Araw ng Naglalakad at Mangga lang ang Kinakain, Sinakay ng Doctor na Nagmalasakit

Talaga nga namang may mga tao pa ring may busilak ang kalooban at handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na ano mang kapalit.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Katulad na lamang po ng scenario na ito kung saan ay dalawang araw ng naglalakad mula Pampanga patungong Quezon City si Lolo at maswerteng nakita ng isang Lalaki at pinasakay nya ito.

Napag-alamang isa palang doktor ang nagmagandang loob kay lolo na sa edad niyang 65-anyos ay tinatahak ang kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway.

Bunsod ng limitadong transportasyon ngayon sa bansa dulot ng pandemya, karamihan ay hirap sa paggalaw.

Ayon kay Sherwin Enriquez, doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), namataan nya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.

Base sa video na in-upload ng doktor, tila emosyonal ang matanda nang alukin ni Enriquez ng libreng sakay ang matanda.

Papunta raw sya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan nyang lakarin ang napakalayong syudad sa kabila ng katandaan. Paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.

Sa video, makikita ang matanda na nagpipigil ng luha habang sinasabing “walang masakyan,”

Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.

Kwento ng matanda, pumipitas sya ng mangga pag may madadaanan para lang may makain habang naglalakad.

“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor na nagdesisyong pasakayin ang lalaki.

Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si Enrique na i-turn over na sya sa mga otoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.

Pero bago umano sila maghiwalay, ayon sa good samaritan, ay binigyan nya ito ng packs of biscuits at kaunting pera.

Sa panahon ngayon makikita natin na nangingibabaw pa rin ang pagtutulungan sa mga Pilipino. Mayaman o mahirap man, sana ay marami pa ang maging kagaya ni Dok na handang tumulong sa mga nangangailangan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment