Dahil sa pinagbabawal pa sa ngayon ang pagkakaroon ng face to face na klase dulot pa rin ng pandemya, naging isang paraan na ang online classes upang mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Gamit ang mga gadget tulad ng cellphone, laptop at iba pa at pagkakaroon ng signal sa kanilang lugar, naitatawid naman ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Mayroong mga lugar na mahina ang signal ng internet connection, kung kaya’t ang kanilang ginagawa ay naghahanap ng mga lugar na kadalasan ay mataas upang makakuha ng internet signal at maka-konek sa kanilang mga guro.
Ngunit, nagviral kamakailan ang isang kaganapan kung saan ang mga batang mag-aaral ay nabulabog habang naka online class na nakapuwesto sa “signalan” o lugar kung saan malakas ang signal ng internet .
Binulabog ng isang Philippine cobra ang ilang estudyanteng lumalahok sa online class sa Bato, Catanduanes.
Tinaguriang “near threatened” species ang Philippine cobra kaya pinabayaan na lang ng mga estudyante na makaalis ito sa lugar.
Ayon sa kumuha ng retrato na si Dexter Chavez, nasa online class sila bandang alas-11 ng umaga nang mapansing may ahas na nakasuksok sa isang puno sa lugar.
Natakot umano sila sa ahas kaya agad lumayo sa lugar.
Nanawagan naman ang mga mag-aaral ngayon sa barangay na linisin ang lugar dahil kailangan nilang makadalo sa kanilang klase at makaiwas sa posibleng kapahamakan.
You May Also Read:
Nakakatindig Balahibo! 4-anyos na Bata, Muntik nang Mabingi dahil sa Garapata mula sa kanyang Alaga.
0 comments :
Post a Comment