Di maiiwasang magkaroon ng mga alagang Aso sa bahay, dahil nga mayroon din itong mga silbi at lalo na kapag ikaw ay pet lover, subalit ang pagkakaroon nito sa bawat tahanan ay dapat may kaakibat rin na tamang pag-aalaga lalo na kapag mayroong mga bata. KAtulad na lamang sa di inaasahang nangyari sa batang si AJ.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Nakakabahala ang nangyari sa isang apat na taong gulang na bata na si AJ.
Nalaman na siya’y may alagang aso na si Yuki na parati niyang kalaro. Ayon sa report ng The Asian Parent, sinabihan daw ni AJ ang ama na tanggalin ang “spider” na pumasok sa kanyang tenga.
Nagulantang ang mga magulang ni AJ nang makita ang isang garapata na nasa loob na ng tenga ng anak.
Buti na lang at mabilis ding inaksyunan ng ama ang nangyari. Kumuha ito ng maliit na tool at iyon ang ginamit na makuha ang garapata sa loob ng tenga ni AJ.
Nawa’y ang nangyaring ito sa batang paslit ay magsilbing babala sa mga magulang. Kung kayo’y may alagang hayop, aso man o iba pa, mas mabuti nang siguraduhing wala silang garapata at kung anu-ano pang mga insekto sa katawan. Napakahirap kung ang isang bata ang maaapektuhan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment