Marami na tayong nakikitang magandang mga nagawa ng ating kababayan, ito ay nakalulugod sa ating pakiramdam na sa kabila ng pandemya at maraming masasamang tao, talagang may mga taong busilak ang puso.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Minsan ang mga taong yaon ay mga nasa hindi pa maganda ang estado sa buhay, yung nagtatrabaho sa init at ulan para lamang may pantustos sa kanilang pamilya.
Ito ang pinamalas ng isang netizen, na kung saan kanyang pinatunayan na kahit mahirap ang kanyang trabaho, hindi siya nasisilaw sa kung anong materyales at pera na makikita na hindi galing sa kanyang pinagpaguran.
Siya po ay kinilala kay Tatay Jojo, naglalako ng donut at nakakita ng isang pitaka na naglalaman ng mahahalagang gamit, tulad ng mga cards at may laman ding pera.
Nang mapulot niya ang pitaka ay hindi nag dalawang-isip si Tatay Jojo na isoli ito sa nagmamay-ari kaya naman, naisipan niyang magpunta sa pinaka malapit na Barangay Office.
Agad naman na nahanap ang may-ari ng pitaka dahil sa loob nito ay mayroong ID na nakita. Kinilalang si Jose ang nagmamay-ari ng pitaka at lubos naman ang kaligayahan niya dahil naibalik sa kanya ang pitaka.
Naglalarawan si Tatay Jojo na sa kabila ng hirap ng buhay ay hindi niya naisip o tinangka na kunin at angkinin ang hindi niya pagmamay-ari dahil mas nangingibabaw kay Tatay Jojo ang kabutihan ng kanyang kalooban.
Sa ginawa po ni tatay, mas marami pa siyang matatanggap na biyaya higit pa sa laman ng pitaka.
You May Also Read:
Lola, Nagdonate ng mga Inaning Gulay sa Isang Community Pantry.
0 comments :
Post a Comment