Wala nang mas sasaya pa sa isang magulang na makikitang napagtapos ang mga anak sa kabila ng kanilang paggapang para sa mga ito, dobleng kasiyahan pa dahil ang mga ito ay nagkaroon pa ng pagkilala bilang Cum Laude.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Bihira lamang ang mga kwentong ganito na lahat ng anak ay nakakuha ng parangal subalit naging posible naman para sa tatlong magkakapatid na matiyagang nag-aaral para masuklian ang kanilang magulang.

Si tatay ay kinilalang si Ramil Montalbo, mangingisda sa Iloilo at mula rin sa mahirap na pamilya, ninais man ni tatay na makatapos ng kanyang pag-aaral at kukuha sana ng pagiging sundalo na kurso ngunit sa kasalatan sa buhay ay hindi niya ito naabot.

Tutol din ang kanyang ama noon dahil nahahati pa ang kanyang kinikita sa pangingisda, sa mga gastusin at sa kanyang mga kailangan sa pag-aaral. Kaya naman madalas silang nagtatalo at napagdesisyunan na niyang huminto na lamang sa pag-aaral.

Nang magkaroon siya ng sariling pamilya, ipinangako niya sa kanyang sarili na pag-aaralin niya ang kanyang mga anak at hindi pagkakaitan na makapag-aral tulad ng ginawa sa kanya ng kanyang ama. Pinagsumikapan niyang mapagtapos ang kanyang mga anak.

Sa kabila naman ng kanyang paghihirap at sakripisyo na ibinuhos para makatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak ay hindi naman siya binigo ng mga ito dahil hindi lamang basta nakapagtapos dahil lahat sila ay nagtapos ng Cum Laude.

Walang pagsidlan ang saya ni tatay dahil sa mga natamo ng kanyang mga anak. Kung nakaya niyang mapagtapos ang mga ito, tiyak kaya rin ng ilang mga magulang na may pangarap din sa kanilang mga anak. Suportahan po sila sa kanilang edukasyon dahil ito ang tanging kayamanan na hindi mananakaw nino man.

You May Also Read:

Lola, Nagdonate ng mga Inaning Gulay sa Isang Community Pantry.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment