Mag-Asawang Bulag, May 8 Normal na Anak at Patuloy Nilang Itinataguyod Sa Kabila ng Kapansanan.

Hindi nga sila makakakita pero ang puso nila ay mas matalas pa sa kanilang mga mata, nagkaroon ng walong anak bunga ng kanilang pagmamahalan ang mag-asawang bulag na ito na taga Mabalacat City, Pampanga.

Talaga namang “love is blind” ang motto ng mag-asawang Julius at Marivic Munoz, na parehong bulag. May anak din sa pagkabinata si Julius. Ang walong anak ng mag-asawa ay nakakakita naman ng maayos.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Sa kabila ng kapansanan at pandemya na dahilan kaya walang trabaho bilang singer si Julius at bilang masahista si Marivic, maayos naman nilang naitataguyod ang buong mag-anak nang walang kasambahay.

“Sobrang proud po ako kasi napapakain kami nang maayos,” kuwento ng anak na si Janella, na proud na proud naman sa kanyang mga magulang.

Si Julius ay nagtatrabaho bilang singer at frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat habang si Marivic naman ay isang masahista at 13 years nang nagsasama.

Taong 2005 ng unang magkita ang dalawa sa School for the Blind sa Maynila nang may inihatid umano siyang estudyante na kaklase ni Marivic.

Dito na naging malapit ang dalawa sa isa’t isa ngunit hindi naging madali ang kanilang relasyon dahil tutol noon ang pamilya ni Marivic kay Julius.

Itinanan ni Julius si Marivic mula sa Cavite at dinala ito sa a Pampanga kung saan sila nagpakasal at biniyayaan ng 8 anak. Ang panganay nila ay 11 anyos na ngayon, habang ang bunso ay 3 buwan pa lamang kung saan may dalawang anak rin si Julius sa pagkabinata

Kahit maraming anak kinakaya ni Marivic ang lahat ng gawaing bahay at pag asikaso sa walong anak
Ngunit dahil sa pandemya, nawalan ng pagkakakitaan ang mag-asawa. Hindi na nakakakanta sa mga show si Julius, at hindi na rin muna nakakapag-masahe si Marivic.

Kahit mahirap, hindi umano naging hadlang to kay Julius para sumuko lalo na at laging nakasuporta sa kaniya si Marivic.

Para makaraos, kumakanta online si Julius kasama ang ‘Banda Alyansa Kapampangan’ habang patuloy na nagsisilbi bilang frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat. May mga kaibigan rin silang nagpapaabot ng tulong.

Talaga ngang kapag puso ang naghahari ay kayang lagpasan ang mga problema.

You May Also Read:

Guro Na Curious sa Estudyante Tuwing May Pinapasulat, Tila Tinatago niya Ito at ng Malaman Niya ay Halos Napaluha Ito sa Awa.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment