Walang hadlang sa mga taong gustong mamuhay mula sa kanilang pawis, kahit pa man sila ay may kapansanan hindi ito rason upang gumawa sila ng hindi mabuti para lamang may mapakain sa kanilang pamilya.
Isang malaking halimbawa ang lalaking ito na nagviral nga sa social media dahil sa kanyang kalagayan ngunit nagtatrabaho pa ito ng marangal at hindi umaasa sa iba.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Matandang lalaking walang paa pero makikita mong ito ay nagtitinda sa pamamagitan ng paggapang lamang sa lansangan.
Nire-upload ng Facebook page na 2k20 ang orihinal na larawan ng Instagram user na si Thoryc.ID kung saan makikita ang isang masipag na tindero ng bola sa kabila ng kanyang kondisyon.
Habang pasan ang mga bolang paninda, literal na lumalakad gamit ang kanyang dalawang kamay ang lalaking kinilalang si Mr. Setu. Wala kasing mga paa ang masipag na matanda at tanging kamay ang nagagamit sa pagtatrabaho. Naka-tsinelas ang mga kamay ni Setu bilang proteksyon sa mga ito.
Sa Indonesia raw talaga nakatira ang lalaki at nasa 50 anyos na ito nang makuhanan ng larawan. Ngunit sa halip na manghingi ng limos o tulong sa mga kakilala at sa ibang taong hindi naman kaano-ano, mas pinili raw nito na kumita ng sariling pera upang may maipantustos.
“Saludo ako sa mga tatay na kahit may kαpαnsαnαΩ, nagtatrabaho pa rin,” ayon sa post ng page na 2k20. Marami ang humanga at naantig sa kalagayan ng matanda.
Ayon sa ilang netizens, ganitong tao raw ang dapat na nakararanas ng tulong sa pamahalaan ng kanilang bansa. Lalo na raw sa kalagayan ni Setu na nagkakaedad na rin at mayroong peligro na magtinda pa rin siya sa lansangan gayong hindi siya nakalalakad nang maayos.
Hiling naman ng ilang social media users, kahit daw sa Pilipinas ay maraming katulad ni Setu na kahit hindi normal ang sitwasyon, ay mas pinipili pa rin ang magbanat ng but0 dahil mayroong mga sariling pamilyang sinusuportahan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment