Madalas tayo nakakakita ng mga taong grasa na palaboy laboy na lamang sa lansangan. Bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang estorya at may mga nakatagong lihim ng nakaraan.
Madalas nga sila ay nahuhusgahan pero walang sinuman ang gustong maging ganyan ang kalagayan. May mga taong grasa rin na may talento palang tinatago, katulad na lamang sa isang palaboy na ito mula sa Catarman, Samar kung saan napahanga ang netizen na nakarinig sa kanyang pag-awit.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ibinahagi ni Fernan Fabregas ang video na ito sa Facebook at agad nagviral at sa ngayon ay umaabot na sa halos limang milyon na views.
Napakagaling umawit ng lalaking palaboy na ito na kinilalang si Vicencio Empalmado, lalo na nang kantahin nito ang sikat na awiting “Just Once” ni James Ingram.
Kung iyong mapapanood ang video ni kuya Vicencio habang kinakanta ang kantang just once ay talagang mapapa hanga ka dahil napakaganda ng boses nito. Kung ipipikit mo pa nga ang iyong mga mata at papakinggan lamang ang kanyang pagkanta ay napakasarap sa tenga.
Ayon pa sa mga komento ng netizens, napaluha pa sila sa ganda ng boses ng lalaki at marahil umano ay may matinding problema kaya naging ganito ang kinahantungan ng lalaki at dahil sa musika ay pansamantalang naibsan ang pinagdadaanan ni kuyang palaboy.
Todo bigay sa emosyon si kuya habang sya ay kumakanta, marahil ito ang paborito nyang kanta noong mga panahon na maayos pa ang lahat sa buhay nya.
Ayon pa sa isang netizen, natouch sya sa galing ng pagkanta ni kuya at nawa’y malampasan nya ang kanyang kasalukayang kalagayan.
“When life is hard, music can heal. I literally cried the moment he opened his mouth and sing! God bless you with clarity and peace. Praying you will get through whatever you are struggling right now…”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment