Hindi lahat ng mga anak ay pinagkalooban ng isang masaya at kumpletong pamilya. Sa panahon ngayon mas maraming kabataan ang namulat sa isang pamilyang tinatayuan lamang ng isang Ina o isang Ama.

Sa mga kabataang lumaking walang ama, tanging tanong nila sa kanilang sarili, ano nga ba ang buhay ng isang anak kapag nagkaroon siya ng amang gumagabay sa kanya? Kung sakali nga bang babalik ang iyong ama, ito ba ay tatanggapin mo sa buhay mo?

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Isang makabagbag damdaming kwento ang isinalaysay patungkol sa isang ama at anak na sa loob ng 25 na taon ay muling pinagtagpo sa paraang hindi mo inaasahan.

Ito ay ang kwento ng isang babaeng photographer at law student na si Diana Kim, 30 years old ng O’ahu, Hawaii.

Si Diana ay may malungkot na kwento sa kaniyang nakaraan. Bata pa lamang nang siya’y nawalay sa kaniyang ama. Huling beses niyang nakita ito noong siya ay sumapit ng ika-limang kaarawan.

Nawalan ng komikasyon sa isa’t isa at hindi malaman kung saan naroroon hanggang sa nabalitaan niyang nawala na ito sa tamang pag-iisip ngunit hindi matukoy kung saan ito tumutuloy.

Bata pa lamang ay sumasabak na siya sa mga photo essay patungkol sa mga walang matirhan at mga pulubi sa daan. Hindi nagtagal ay ginawa niya na itong proyekto at adbokasiya.

Sinimulang idokumento ni Diana ang mga pulubi sa kanilang lugar pagkat gusto niyang kilalanin at alamin ang talagang araw araw na pamumuhay ng mga pulubi.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa ganitong paraan niya pala muling masisilayan ang kaniyang nawawalang ama.

Habang tinitingnan ang mga larawang nakuha, may isang matandang lalaki ang pumukaw sa kaniyang mga mata na tila ba’ý pamilyar sa kaniya.

Nang tinitigang mabuti, napag-alaman niyang ito ang kaniyang nawawalang ama ng halos 25 na taon nang nakakalipas.

Binalikan ni Diana ang ama sa naturang lugar. Kay bigat ng kaniyang nararamdaman ng mga oras na yon habang tinitingnan ang amang nangangarirang sa payat, marumi at wala sa tamang pag iisip.

Nang kaniyang tanungin, hindi ito sumagot at ang pinaka masakit ay hindi siya kilala ng sarili niyang ama.

Isang babae ang nagmagandang loob upang sabihin kay Diana ang kalagayan ng kaniyang ama na ilang araw na daw itong nakatayo at hindi kumikilos.

Halos araw araw niyang binabalik balikan ang kaniyang ama, kinakausap at inaalok na baka sakaling tugunin ang kaniyang pagtulong.

Noon din ay nalaman niyang may iniindang matinding sakit ang kaniyang ama na tinatawag na schizophrenia at madalas makipagtalo at kausapin ang kawalan.

Inatake sa puso ang kaniyang ama at laking pasasalamat niya sa mga taong nagbigay ng kanilang oras upang tawagan ang mga opisyal na nagdala sa kaniyang ama sa ospital.

Simula noon, nagamot ang kaniyang ama hindi lamang sa kaniyang pangangatawan kundi pati na rin sa kaniyang pag-iisip.

Unti unting bumalik sa dati ang kaniyang ama. Kasabay noon ang muling pagbangon kasama niya ang kaniyang buong pamilya. Hindi sumuko si Diana sa kanilang sitwasyon. Laking pasasalamat niya at muling natagpuan ang kaniyang ama.

“So long as we are alive in this world, every day is an opportunity to take hold of that ‘second chance.’ There is no failure unless you give up, and he never gave up. And I haven’t given up on him.”, ani Diana Kim.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment