Dating Kasambahay, Isa ng Donya ngayon,Matinding Stress ang Dahilan Kaya Niya Na Diskubre ang Bagay na Nagpa-Yaman sa Kanila.

Kung ikaw ay may pangarap, walang imposible na ito ay maaabot kapag pinagpursigehan ang mga bagay bagay, hindi naman ito kusang ibibigay ng isang araw lamang kundi kinailangan ang dedikasyon, hirap at buo ng loob.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Ito ang naging kwento ng isang dating kasambahay na ngayon ay namumuhay na bilang isang Donya. Tiyak marami ang maiinspire sa naging karanasan niya upang makamit ang rurok ng tagumpay.

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid ng dating kasambahay matapos mabago ang buhay at naging matagumpay dahil sa pagnenegosyo. Kinilala siyang si Charina Bitas o Cha na nakaranas ng hirap at pagsubok sa buhay bilang kasambahay bago tuluyang nasumpungan ang inaasam na tagumpay. Ito nga ay matapos niyang madiskubre ang tamang produkto na kanyang ibebenta, na magpapabago ng kanyang buhay.

Sa episode ng programang “May Puhunan” ni Karen Davila, ay nagbigay ng inspirasyon si Cha nang ibahagi ang kanyang kwento ng tagumpay.

Si Cha ay isang dating katulong na nagmula sa Bohol, at nanirahan sa Laguna upang kumita ng pera para makatulong sa pamilya. Nagpasya ang kanyang mga magulang na tumira sa isang squatter sa Laguna, sa pag-aakalang aayos ang kanilang buhay. Ngunit, dahil ang kanyang ama ay isang karpentero, samantalang ang ina naman ay kasambahay, ay hindi ito nangyari. Kaya naman, upang makatulong sa mga magulang ay namasukan rin bilang isang kasambahay si Cha.

At ang trabaho niya bilang kasambahay ang naging daan upang makilala niya ang kanyang asawa na manager ng isang kompanya, at may-ari ng lending business. Ngunit, sa kasamaang-palad ang kanilang lending business ay nalugi, na kung saan ang mga kliyente ay hindi na nagbayad ng kanilang utang.

Hindi nga halos matanggap ni Cha ang paglubog ng kanilang lending business at nagdulot ito sa kanya ng matinding stress. Dahil nga sa stress, tinubuan siya ng freckles at pimples sa kanyang mukha. Hanggang sa ito nga ay dumami ng dumami, na nagdala lalo sa kanya ng kalungkutan.

Kaya naman, sumangguni siya sa kanyang kapatid na sabihin sa kanya ang sikreto nito upang mapanatiling bata at maganda ang mukha nito. Sa unang gamit ng naturang sabon, ay umepekto ito sa kanya at agad niyang nagustuhan ang produkto. Kaya naman, naisip niyang magnegosyo ng beauty products.

At nang magkaroon na nga ng sariling brand ng beauty products, ay inaalok niya ang lahat ng kanyang kakilala. Nagsumikap rin siyang maghanap ng mga taong maaaring bumili ng kanyang produkto. Hindi siya tumigil, at ginawa ang lahat upang makilala at maging mabenta ang kanyang produkto.

Hindi nga nagtagal, ang kanyang hirap at pagsisikap ay nagbunga ng tagumpay. Mula sa kanyang beauty products, ay kumita siya ng malaki kung saan ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay, at nabili rin ang lahat ng naisin niya.

Nang mapanood nga ang kwento ni Cha sa telebisyon ay marami ang nabigyan ng inspirasyon na magsimula sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa diskarte at kasipagan ng dating kasambahay, na ngayon nga ay malaki na ang ipinagbago ng buhay bilang isang matagumpay na negosyante.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment