Isang Factory Worker ang Pinagtatawanan at Kinukutya dahil sa Ulam Nitong Itlog at Tuyo Araw-araw, Hangga’t Nagulat sila sa Nangyari sa Kanya.

Di maiiwasan na mayroong mga taong mahilig pumuna sa nakikita nila sa iba, at hindi muna inaalam ang dahilan nito. Bawat tao ay may kanya-kanyang karanasan at mga pinagdadaanan sa buhay, at ang nakaraang yaon ang kanilang lakas para harapin ang kasalukuyan.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Isang halimbawa po ang nangyari sa hardworking na si Kuya Raul na sa kanyang pagtatrabaho, nakatanggap ng iba’t-ibang pangmamaliit sa ibang tao dahil lamang sa kanyang naging ulam na tuyo at itlog.

Imbes na kanilang tulungan ay kanila pang hinusgahan, isang factory worker si Raul, walong taon na ring nagtatrabaho sa planta at palagi siyang tinutukso ng kanyang mga katrabaho dahil sa araw araw nitong pag ulam ng itlog at tuyo.

Kahit dumating ang araw ng sahod ay nananatiling itlog at tuyo ang kanyang kinakain.

Dahil sa hirap ng buhay sa tuwing siya ay tinutukso o pinagtatawanan ng mga katrabaho tanging ngiti lamang ni Raul ang depensa sa mga masasakit na salitang kanyang naririnig.

Kung tutuusin kaya ni Raul bumili ng mga mamahaling pagkain o mga bagay na meron ang ibang, ngunit sa hirap ng buhay at daming bayarin pinipili na lamang nito magtipid.

Dahil sa responsibilidad ni Raul sa buhay mas pinipili na lamang nito mag tipid kaysa gumastos, minsan rin inaaya si Raul ng mga katrabaho na maginom ngunit laging tumatanggi sa mga ito.

Simula noon, unti unti na ding iniiwasan si Raul ng kanyang mga katrabaho hanggang sa umabot na hindi na rin ito inaaya sa ano mang good time. Masakit para kay Raul na sa loob ng walong taon ay ni isa wala siyang naging kaibigan madalas pa nga na naririnig nya na pinaguusapan sya ng mga katrabaho.

Dumating pa nga sa puntong habang sila ay naghahapunan sa canteen ay muli itong tinukso dahil ang baon ni Raul ay itlog at tuyo padin, habang sila ay naghahapunan nilapitan ito ng kanilang Team Leader (TL) na si Reah at tinanong na kung bakit palaging tuyo at itlog ulit ang kanyang ulam.

Nahiya man siya sabihin ang dahilan ngunit mas pinili sabihin ni Raul ang katotohanan na siya ay nagtitipid dahil marami ang bayarin sa kanilang bahay.

Nang dahil sa pagsita ng kanyang Team Leader muli siyang pinagtinginan at tinukso. Lumipas ang ilang minuto muli siyang sinabihan ng kanyang team leader na pagkatapos kumain ay maghugas ng kamay dahil baka ang amoy ng kanyang ulam ay makaapekto sa mga produkto na kanilang ginagawa.

Nag patuloy ang pangungutya ni Reah at nang iba pang kasamahan kay Raul kahit ito ay tapos na kumain.

Makalipas ang mga araw, napansin ni Reah na hindi na pumapasok sa trabaho si Raul simula ng napagsabihan nya ito.

Isang araw, pinatawag ang lahat ng team leader ng head manager upang ianunsyo sa kanila ang magkakaroon ng bagong supervisor at madedestino ang bagong super visor sa departamento ni Reah.

Ilang minuto ang lumipas, may isang lalaki ang pumasok na simple ang suot ngunit makikita na ito ay mamahalin, nagulat ang lahat na ang lalaking bagong supervisor ay si Raul na dating pinagtatawanan at kinukutya ay ngayon mataas ng ang posisyon.

Nangamba si Reah at ang iba pang trabahador dahil sa kanilang trato kay Raul noon, kaya naman humingi ang mga ito ng paumanhin sa inasal noon kay Raul.

Ngunit, imbis na magalit ngumiti na lamang si Raul sa kanila at sinabi na maging aral na lamang sa lahat ang mga nangyari lalo na sa Team leader na si Reah na huwag agad husgahan ang isang tao sa panlabas nitong katangian.

Si Raul pala ay isang working student na kung saan siya ay nag aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi upang matugunan ang pangangailangan sa pag aaral.

Nang ipakilala ang bagong super visor na si Raul sa kanyang mga katrabaho nagulat at hindi makapaniwala sa nalaman na ang dating simpleng tao na kanilang minamaliit dahil sa palaging tuyo at itlog ang ulam ay ngayon isa ng bagong supervisor.

Nakaramdam ng sobrang hiya ang mga ito dahil sa masamang ugali pinakita nila kay Raul.

Sapagkat, ang tanging sinabi na lamang ni Raul ay huwag husgahan ang kapwa ng hindi alam ang nakatagong kwento sa likod ng buhay ng isang tao.

You May Also Read:

Bride to be,Muntikan ng Mag Su1c1de Dahil sa Ginawang Pag Atras ng Kanyang Groom Dahil sa Rason Lang na Ito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment