Masasabi ba nating unfair ang buhay? dahil may mga kabataang lumaki sa marangyang pamumuhay at mayroon namang sala’t sa buhay. Kung ipinanganak kang mahirap ay di mo daw yun kasalanan, pero kapag namatay kang mahirap ay kasalanan mo na daw yun.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Walang hindi kayang abutin kung ito ay pinagpursigehan na makamit, walang imposible sa buhay kapag determinado kang maabot ito, hindi kailanman hadlang ang kahirapan.
Katulad na lamang sa isang batang ito na ginagawa ang multi-tasking, nakunan ng litrato at nag viral sa social media. Naging inspirasyon nga sa marami ang larawan ng batang ito, na nagpapakita kung gaano siya nagpupursige upang makaahon sa kahirapan. Buong sipag niya kasing pinagsasabay ang paghahanap-buhay at kanyang pag-aaral.
Sa isa ngang fly over, ay namataan ang naturang bata na habang nakaupo sa kalsada katabi ang kanyang mga panindang sampaguita na nakaayos ng salansan sa kanyang harapan, ay hawak-hawak naman niya ang kanyang ballpen, aklat at notebook, kung saan tila ito’y sumasagot ng kanyang takdang aralin para sa eskwela.
Kahit na hirap sa buhay, ay makikita sa batang ito ang pagpupursige niyang mabago ang takbo ng kanyang buhay, ito ay sa pamamagitan ng pagiging masipag at determinado niya sa kanyang pag-aaral. Batid nga natin, ano ang edukasyon, ay isa sa mga susi para siya’y magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ano man ang hirap na ating dinaranas sa ngayon, wag nating isiping hanggang dyan nalang tayo, dahil habang may buhay ay mayroong pag-asang magbago ang takbo ng ating buhay, dapat lang ay maging positibo tayo at masipag upang lubusang makamit natin ito, wag kalimutang manalangin palagi para tayo ay gabayan sa ating pakikipaglaban.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment