Ang pag-iba ng klima ay minsan dulot rin ng mga illegal na aktibidad ng tao at kawalan ng disiplina, katulad na lamang ng mga polusyon na binubuga ng malalaking kompanya, mga basurang nagbabara na siyang nagdudulot ng pagbaha at mga illegal na pagputol naman ng mga punong kahoy na nagdudulot din ng landslide at pagbaha sa mga mabababang lugar.
You May Also Read:
2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.
Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?
Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya
Subalit, hindi lingid sa kaalaman natin na may pera sa basura, kung kaya’t marami nga ang mga nangongolekta nito at naging kanila nang hanapbuhay. Pero nakakamangha naman ang naging ideya ng isang architect na ito kung paano ang mga patapong plastic bottles ay naging isang kamangha-manghang isla.
Ang kakaibang ginawa ng isang lalaki gamit ang mga plastic bottles ay nagpabilib sa marami. Si Richart Sowa, 61 taong gulang, isang environmentalist at architect, ay nakapag-isip na gumawa ng sarili niyang artificial floating island na gawa sa mahigit 150,000 piraso ng plastic bottles. Dito rin niya itinayo ang kanyang bahay, at magmula noong 2008, ay dito na siya nanirahan.
Nagsimulang gawin ni Richart ang paggawa sa isla noong 2005, ngunit hindi siya nagtagumpay. Ito ay nasira ng mapaminsalang panahon kasama ang isang maliit na isla na kanya ring ginawa na tinawag niyang Spiral Island.
Bagama’t, hindi nagtagumpay ang una at pangalawang subok ni Richart, ay hindi siya sumukong sumubok ulit. At sa pangatlong pgkakataon, ay gumawa siya sa isang lagoon. Sa tulong ng karpintero, ay nakabuo si Richart ng matibay na pundasyon, na may habang 25-meter na kayang makipagsabayan at hindi agad magigiba ng anumang bagyo.
Mas pinatibay rin ito ng frame na gawa sa kawayan kung saan ay nilagyan nila ng kahoy at buhangin. Kinabitan naman ito ng sangkatukak na plastic bottles na magbibigay ng suporta sa itatayong bahay, at anumang bagay na ilalagay rito.
Matapos nga ang pitong taon, ang pangarap niyang floating island na magsisilbi niyang paraiso ay kanya niyang naisakatuparan. Ang napakagandang isla ay tinawag niyang Joyxee Island. Ang kanyang bahay na itinayo sa isla ay may tatlong palapag na gawa naman sa mga shells.
Tila naman nasa isang napakalaking bahay komportableng naninirahan si Richart. Dahil, ito ay may 2 bedrooms, kitchen, 3 showers, at isang wave-powered washing machine. May 100-ft cable ring konektado sa isla na magbibigay naman ng kuryente, tubig at internet access.
Kahanga-hanga rin dahil may filtered pool ito kung saan ginagamit niya sa pagligo. May hiwalay ring pool na nagsisilbi namang hot tub. Makikita na rin sa isla ang lahat ng bagay na kinakailangan ng isang tao upang mabuhay. May iba’t ibang klase rin ng halamang nakatanim sa isla, mula sa mga namumungang puno hanggang sa maliliit na halaman. At nais nga ni Richart mapunan niya ang sarili niyang pangangailangan gamit ang sarili niyang kakayahan.
My plan is to become self-sufficient. I am a vegetarian, and have many plants growing on the Island which I eat, but for more variety I go by bicycle to the nearby local shop.” sabi pa ni Mr Sowa
“I have a ferry I also made from plastic bottles, which can carry up to eight people to and from the shore.” pagtatapos ng kanyang kwento
0 comments :
Post a Comment