Ayon sa matandang kasabihan, kayang tiisin ng anak ang kanyang magulang, subalit hindi matitiis ng magulang ang kanyang anak.
You May Also Read:
2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.
Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?
Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mahabang Facebook post ng isang concerned netizen na nagngangalang “Krish Bustos” matapos niyang isalaysay ang kanyang karanasan sa pagtulong sa isang nanay na hindi marunong magbasa at magsulat.
Ayon sa kuwento ng netizen, nag-claim siya ng pera sa isang money remittance center nang mapansin niya ang isang nanay na nakaupo sa isang gilid, may hawak na pera, na tila nag-aalinlangan sa kanyang gagawin. Humahaba ang pila, kaya naman matapos magawa ang kanyang sadya, nilapitan niya ito at tinanong kung ano ang problema nito.
Napag–alaman ng netizen na magpapadala ng pera ang ina sa kanyang anak na babae, subalit hindi nito alam ang gagawin, dahil hindi ito marunong magsulat. Dahil sa pagkaawa at patuloy na paghaba ng pila, tinulungan ng netizen ang naturang ina. Batay sa kanyang pagtatanong, nangangatulong at yaya ito. Ipadadala niya ang 2,500 piso para sa anak na babae.
Inusisa ng matulunging netizen ang tinulungang babae. Tinanong niya kung allowance daw ba ito para sa pag–aaral ng kanyang anak. Laking gulat at dismaya niya nang malamang gagamitin daw ito ng anak na panggastos sa anniversary nila ng kanyang boyfriend. Nagbanta pa umano ang anak na hindi niya tatawagan, o papansinin ang ina kapag hindi ito gumawa ng paraang mapadalhan siya ng hinihinging pera.
Sa malas, mukhang hindi rin alam ng naturang nanay ang ibig sabihin ng “anniversary”; indikasyong hindi rin ito marunong magbasa. Ipinaliwanag ng netizen ang kahulugan nito.
“Nay yung anniversary po, yun yung kung kailan niya sinagot yung boyfriend niya tapos magdiriwang po sila,” aniya.
Dagdag pa niya, “Magpapakasaya po sila gamit po itong pera na pinagpawisan niyo.”
Naliwanagan naman ang pobreng ina. Tinanong niya ulit kung ipagpapatuloy nito ang pagpapadala ng pera, at buo naman ang pasya nitong ipadala ang 2, 500 piso, sa takot umano nitong itakwil ng sariling anak.
Pagkatapos maipadala ang pera, labis ang pasasalamat ng naturang nanay sa netizen dahil sa tulong na ibinigay nito. Tuwang–tuwa rin ito dahil hindi na raw magagalit sa kanya ang kanyang anak.
0 comments :
Post a Comment