11-anyos na Grade 5 pupil, Buong Lakas na Nag-apply Bilang Janitor para may Pambili ng Project sa School

Napaka swerte ng mga kabataang ipinanganak na naibigay lahat ng kanilang gusto. Hindi na sila nahihirapan at naka focus na lamang sa kanilang pag-aaral.

Subalit, kung ipinanganak kang mahirap, kinakailangan mo pang maghanap ng sariling diskarte upang matulungan ang yung mga magulang sa pagpapa-aral sa iyo.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Ngunit may mahalagang aral naman na natutunan sa bawat pagsubok na kinakaharap ng mga batang gustong makatapos sa kanilang pag-aaral.

Ang kahirapan ay hindi hadlang para sa taong determinado na maabot ang pangarap nito. Katulad na lamang sa batang ito na kamakailan ay naging laman ng usap-usapan sa social media.

Siya ay si Kervy James Villarejo, isang grade 5 na estudyante sa Jose Catolico Sr. Elementary School, Gen. Santos City, sa halip na mawalan ng pagasa dahil sa hirap ng kanilang buhay ay patuloy parin itong lumalaban.

Viral sa social media ang Facebook post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pusong kwento ni Kervy.

Ayon kasi kay Chriszel, si Kervy ay kumatok sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kaniyang school project.

“Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba. Nag offer ng service .. napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya.” ayon kay Chriszel

Ayon sa bata, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa nitong kapatid na magkakaiba ang tatay. Ang kanyang tunay na tatay ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanya.

“11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masakit talaga saakin bakit ganun ang sitwasyon niya. As a single mom, masakit talaga. Kawawa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap.” dagdag pa nito

Dahil sa naramdamang awa at pagkamangha kay Kervy, ibinigay na lamang ng opisina ang halagang kailangan nito para sa kanyang project sa school at hindi na pinagtrabaho.

Pangarap din umano ni Kervy na makapagtapos sa pagaaral para matupad ang pangarap na maging isang piloto.

You May Also Read:

Sa Kauna-unahang Pagkakataon, Misteryosong “Well of Hell”Na Kinatatakutan sa Yemen,NAPASOK, May mga D1ablo nga ba at Genie sa Loob?


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment