Lahat naman tayo ay halos nangangarap na magkaroon ng limpak-limpak na pera, yun bang nakahiga ka sa kamang puno ng pera. Pero tila ito’y isang panaginip lamang lalo na sa mga taong kapos rin sa buhay.
Subalit, ang post na ito ay isang patunay na pwede palang mangyari ang ating mga pangarap kapag ito ay ating pinagpursigehan na makamtan.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Ang pag-iimpok ay isang magandang gawain at kaugalian na dapat ay makita sa atin, dahil mas naging kampante ka kung alam mong mayroon kang madudukot sa oras ng pangangailangan. Ang pangarap na magkaroon ng limpak-limpak na pera ay hindi pala imposible kapag naging ugali mo ang mapag-impok.
Isang pamilya ang nagpatunay na maari kang humiga sa maraming salapi kung nanaisin mo, kahit pa nga ba hindi ka ipinanganak na mayaman.
Ibinahagi ng pamilyang ito sa social media ang kanilang inipong pera sa loob ng isang taon at nakamamangha ito dahil halos hindi na makita ang kanilang kama sa dami ng pera na ibinuhos nila dito.
Ibinahagi nga ng netizens na si Abby Sarmiento Mendoza, sa kanyang facebook account ang ipon ng kanilang pamilya. Halos dalawang higaan ang pinuno nila, ng ibuhos nila dito ang mga naipon nilang perang papel at mga barya.
Kung kadalasan, isang “Piggy bank” ang ginagamit ng marami sa atin para makapag-ipon ay hindi naman ito ang ginamit ng pamilya ni Abby. Isang babasaging salamin na tila isang kahon na tulad sa ginagamit sa mga raffle ticket sa mga mall ang nagsilbing alkansya ng pamilya ni Abby.
Matapos nga ang isang taon at ilang buwang pagtitipid nila, napagdesisyunan nila na buksan na ang kahon at laking gulat at pagkamangha nila dahil sa hindi nila inaasahan na napakarami na pala ng naipon nilang pera at halos mapuno nga nila ang kanilang dalawang kama.
Tila na-engganyo naman at na-inspire ang ilang mga netizens dahil sa nakitang ipon ng pamilya ni Abby, kaya naman marami na sa atin ngayon ang gumagawa ng mga Ipon Challenge na talaga namang masasabi nating inportante sa lahat ng bagay ang pagkakaroon nv ipon lalo na sa panahon ng krisis.
Mahirap man ang mag-ipon, pero may kasabihan nga ang mga matatanda na “Kung gusto ay maraming Paraan”, kaya gawin lang natin ang mga bagay na makakatulong sa atin upang ma-achieve ang goal nating Ipon Challenge.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment