Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Marami ang gustong sumabak sa pagnenegosyo, dahil hawak mo ang oras mo, ikaw ang boss at kung maswerte ka ay unlimited pa ang kikitain mo. Subalit, marami ang hindi natutuloy na magkaroon ng negosyo dahil daw sa kakulangan sa kapital na siyang pangunahing pangangailangan upang mapagsimulan ang negosyo.

Ayon naman sa iba, hindi kailangan ang malaking kapital upang makapagsimula, sipag, tamang diskarte, pasensya at tiyaga ang kailangan mo upang simulan ito.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Ito ay pinatunayan mismo ng mag-asawang nagkaroon ng negosyo na nag-umpisa sa puhunang Php 100. Paano nga ba nila ginawa ito?

Mula sa isa sa mga Probinsya ng Batangas ang mag-asawa, na pareho ngang minimum wages earner dahil sa kanilang pagtatrabaho sa isang restaurant.

Kwento ng mag-asawa, may pagkakataon na may isang taong nag-offer sa kanila na bumili ng bahay at lupa, kung saan ay hulugan naman umano ito kaya hindi mabigat sa bulsa.

Ngunit dahil nga minimum wage earner lang, sa una ay hindi nila binigyan pansin ito pero matapos ang pag-iisip na kung sakali namang mabili nila ito ay isa na itong investment na matatawag talaga nilang sa kanila na.

Nag-isip nga ang mag-asawa kung paano madagdagan ang kanilang kinikita para mabayaran ang kanilang dagdag na bayarin na hulog sa lupa, kaya naman kung ano-anong paninda ang kanilang sinubukang itinda.

Una nilang pinasok ang pagtitinda ng banana cue, ngunit ayon sa kanila ay Php 100-150 kada araw lang ang tumutubo nila rito. Hanggang sa naisipan nilang magdagdag ng ibang menu na pwede nilang itinda, at isa na nga rito ang kanilang siomai.

Napansin ng mag-asawa na tila ang siomai nila ang binabalik-balikan sa kanila ng kanilang mga customer kaya naman nagfocus sila rito at sinimulan ang pagtitinda ng isang produkto lamang.

Ang kanilang Siomai nga, ang nakapagbigay sa kanila ng magandang kita sa araw-araw, kaya naman tuloy-tuloy nila ito hanggang sa nakabili na nga sila ng ilan pang foodcart na ginagamit nila sa kanilang mga reseller.

Huminto na rin ang mag-asawa sa pagtatrabaho nila sa restaurant, at sinimulang i-manage ng maayos ang kanilang negosyo. Hindi nga sila nabigo sa pagpasok sa negosyo, dahil mula sa kanilang siomai at maliit na puhunan kumita na ngayon ang mag-asawa ng Php 45,000-50,0000 kada araw.

Hindi na nga sila nahihirapang bayaran ang kanilang mga utang, at ang bahay na hinuhulugan nila noon ay agad nilang natapos bayaran.

Isa po itong patunay na walang masama na sumubok magkaroon ng negosyo. Ang pagkakaroon ng failure ay hindi dapat batayan upang sumuko. Ito ay maging aral upang mpa-unlad pa ang kabuhayan.

You May Also Read:

Groom, Tinawag na Walang Modo ang Singer Nang Tanggihan Ang Request Na Libreng 20 Kanta Sa Kanyang Kasal Kapalit ang Pagkain sa Reception.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment