Batang Naglalakad Gamit ang mga Kamay, Nangarap maging Abogado, pero Natigil dahil sa mga Pambu-bu1ly.

Sa ating mundong ginagalawan, kung sino pa yung dapat tulungan dahil may kapansanan, sila pa ang mas dinidiin sa putikan dahil sa pambubully ng iilan. Kahit sila ay may kakaiba sa katawan may pangarap din sila tulad ng mga normal na tao.

Kaya ang batang ito na minsan ay nangarap na maging abogado ay mukhang mapupurnado dahil sa patigil niya sa pag-aaral dulot ng pambubully sa paaralan.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Narito ang buong salaysay:

10-taong-gulang na si Ralph ay tumigil sa kanyang pag-aaral dahil sa panunukso ng ibang mag-aaral dahil sa kaniyang kapansanan, hindi pa rin nawawala ang kaniyang pangarap na balang araw ay maging isang abogado.

Dahil hindi nakalalakad si Ralph, nakatira sa Davao Oriental, ang kaniyang mga kamay ang ginawa niyang “paa” upang makarating sa kaniyang pupuntahan tulad sa maisan kung saan niya tinutulungan ang kaniyang ina.

10-ANYOS NA BATA, NAGLALAKAD GAMIT ANG KANYANG MGA KAMAY UMANTIG SA PUSO NG MGA NETIZEN

“Mas mabilis akong nakakapaglakad kapag nakabaligtad,” sabi ng bata sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

“Nainggit ako sa mga bata kasi marunong tumakbo, marunong maglakad,” saad pa niya na hindi rin kompleto ang mga daliri sa kamay.

Ayon sa kaniyang pamilya, hindi nila tinuruan si Ralph na maglakad gamit ang kaniyang mga kamay na nagsimula noong tatlong-taong-gulang siya.

Nag-aaral noon si Ralph pero nagpasyang tumigil dahil sa pambu-bully ng ibang mag-aaral na tumutukso sa kaniya na lumpo.

Sa halip na mag-aral, pinili na lamang ng bata na tumulong sa pamilya sa taniman ng mais.

Dahil mahirap ang pamilya ni Ralph, hikahos din sila makakain. Ang kaniyang almusal, asukal.

Kaya naman hindi madala ni nanay Alma sa duktor ang anak na nais magpatingin upang malaman kung puwede pa siyang makalakad.

“Palagi na siya nagtanong sa akin, ‘ma, kung mamamatay na kayo, paano na ako?’ Wala akong magawa,” sabi ni Alma.

Siya ’yung pinakamalapit sa aking puso. Parang hindi ko matatanggap kung mawawala sa akin ‘yung aking anak kasi mahal na mahal namin siya. Kahit na napapagod na ako sa pag-alaga sa kanya, hindi ko gusto na mawala siya sa akin,” dagdag ng ina.

Para alamin ang kalagayan ni Ralph, ipinasuri ng “KMJS” team via video call sa isang duktor si Ralph.

Ayon sa orthopedic surgeon, mayroong flexion contracture sa tuhod si Ralph kaya hindi niya maituwid nang husto ang kaniyang tuhod.

Hindi man nais ng duktor na paasahin si Ralph, sinabi nito na kailangan masuri na mabuti ang kondisyon niya upang malaman kung ano ang puwedeng gawin.

Mayroon na rin naman daw silang nahawakan na katulad na kaso at nagawang makalakad ng naturang pasyente.

Dinala na rin si Ralph sa rural health unit upang masuri ng duktor ang kaniyang kalusugan.

10-ANYOS NA BATA, NAGLALAKAD GAMIT ANG KANYANG MGA KAMAY UMANTIG SA PUSO NG MGA NETIZEN

Para mabigyan ng inspirasyon si Ralph sa pangarap niyang maging abogado, ipinakausap din sa kaniya via video call si Atty. Jessica Siquijor-Magbanua, ang kasalukuyang State Solicitor, at tagapagsulong ng mga karapatan ng mga PWD.

“Pareho raw tayong may kapansanan. Meron akong Spina bifida with clubfeet. Alam n’yo, ‘yung bulk ng success ng bata, I believe, nanggagaling sa magulang. Very blessed ka na nandiyan si Nanay. Maraming salamat sa mga magulang na hindi nawalan ng tiwala sa mga anak nila na may pangarap, katulad namin,” saad niya.

Nangako naman si Ralph na sisikapin niyang abutin ang pangarap niyang maging abogado.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment