Isang Ama Karga-Karga ang Anak sa Likod, Habang Nagtatrabaho bilang Cook dahil Abala rin si Misis.

Ang ama ay tinuturing na haligi ng tahanan na siyang responsable sa pagbigay ng mga pangangailangan ng kanyang sambahayan, gagawin ang lahat matustusan lamang ang kanilang pangangailangan. Ang ina naman ang siyang Ilaw ng tahanan na nagbibigay liwanag sa mga miyembro nito, siya ang nag-aalaga ng mga anak at humuhubog ng magandang kaugalian, ang masayang pamilya ay nagtutulungan upang masolusyonan ang ano mang pagsubok sa kanilang tahanan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ang pag-aalaga ng mga anak ay kadalasang obligasyon ng isang ina dahil ito ang naiiwan sa kanilang tahanan habang ang ama ang siyang naghahanap ng kanilang ikabubuhay.

Subalit, tila hindi ganito ang naranasan ng isang Ama na mula pa sa Palawan, ang kanyang kwento ay nagviral sa social media dahil sa pinakitang kasipagan nito habang karga-karga ang kanyang anak.

Nakatanggap siya ng papuri dahil sa responsibilidad na kanyang ginampanan sa bata, habang ang kanyang asawa naman ay nasa bahay at inaalagaan rin ang iba pa nilang mga anak.

Makikita sa larawan na karga-karga niya ang anak sa likod nito sa pamamagitan ng baby carier habang nagtatrabaho siya sa kusina ng Palawan Adventist Hospital sa Puerto Princesa, Palawan. Kinilalang si Vinz Manalo Bobo ang nasabing cook.

Ibinahagi ni Vinz sa kanyang social media account ang larawan nilang mag-ama para magsilbing inspirasyon din sa lahat na mga nagtatrabaho.

Ayon pa sa kanyang post “‘Kapit lang anak ko… Kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para may pambili ng gatas mo ,”

Tulad ng inaasahan, ang post ay umani ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga pumuri kay Vinz dahil sa kanyang pagtatalaga sa kanyang trabaho sa kusina ng ospital ngunit may mga negatibo ring nagsasabi at nag-aalala dahil ang kusina ay hindi eksaktong isang ligtas na lugar para sa isang sanggol na ano mang oras ay pwedeng madawit ito sa aks1dente sa kusina.

Ipinaliwanag niya na ang kanyang asawa ay nasa klinika upang dalhin ang kanilang iba pang anak, sa gayon, pinili niya na dalhin ang isa pa sa trabaho.

Ngunit maraming mga netizen pa rin ang pumuri kay Vinz sa kanyang ginawa, lalo na dahil maaari lamang siyang pumili na hayaan ang kanyang asawa na alagaan ang parehong bata o lumiban sa kanyang trabaho.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment