5 Magkakapatid, Nawala Matapos Masunog ang Kanilang Bahay. Pagakalipas ng 20 Taon, May Natanggap ang Kanilang Pamilya na Ikinagimbal nila.

Isang malaking kaganapan noon na hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin sa naiwang pamilya ng nawalang limang magkakapatid na Sodder. Maraming mga teorya na lumabas ukol sa pagkawala ng magkakapatid na halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Si George Sodder na pinuno ng angkan ay nagpahayag ng kanyang sama ng loob kay Benito Mussolini, taong kinakatakutan ng mga mamamayan sa Italya. Di umanoy gumawa ng hakbang si George laban kay Benito subalit ang naging kapalit nito ay ang kanyang asawa at siyam na anak.

5 bata nawawala sa nasunog na bahay

Isang gabi, nagulat siya sa gayong hindi kapani-paniwala na balita na nag-apoy ang kanyang bahay. 45 minuto matapos ang insidente, naisip niya na ang lima sa kanyang mga anak, sina Maurice, Martha, Louis, Jennie, at Betty ay nawala na. Ngunit naging palaisipan ang nangyari dahil kung namatay daw sila sa sunog makikita sana ang kanilang mga abo sa nasabing lugar, subalit tanging mga abo ng kagamitan lamang ang kanilang nasilayan.

5 bata nawawala sa nasunog na bahay

Matapos ang nasabing insidente, dumaan ito sa masusing imbestigasyon, at pumunta si Sodder sa mga lugar na posibleng may kinalaman at may sagot tungkol sa mga nawawala niyang anak, ngunit sa kasamaang palad, umuuwi siya na negatibo ang mga nakuhang impormasyon.

Halos 20 taon na ang nagdaan, ng may natanggap ang mag-asawang George at Jenny na isang sulat na gumimbal sa kanila, ito ay nagbigay ng pag-asa na makita ang kanilang mga anak.

Nakapaloob sa liham ang larawan na tila kamukha ng isa sa kanyang mga anak, subalit malaki na ito dahil sa tagal na ng insidente, halos di makapaniwala ang mag-asawa, magkahalong saya at lungkot rin ang kanilang naramdaman. Takot, na baka hindi totoo ang napapaloob sa sulat na nagmula daw kay Louis Sodder.

Pina imbestigahan nila ang pinanggalingan ng sulat ngunit makalipas ang ilang taon ay pumanaw na si George at sinundan ni Jenny na hindi sumuko sa paghahanap hanggang sa huli nilang hininga.

75 taon pagkatapos ng trahedya, si Sylvia Sodder, ang naiwang nag-iisang anak nina George at Jenny ang nagpatuloy sa paghahanap na inaasahan na balang araw, maaari niyang muling makasama ang kanyang mga kapatid.

Ano nga kaya ang totoong nangyari? Kinidnap nga ba sila? O tuluyan ng nawalay sa mundo?.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment