Ibang klase ang mga pagbaha ngayon na ating nararanasan, sa tuwing darating ang tag-ulan ay nababalot na ng takot ang ating mga kababayan sa posibleng maging epekto nitong pagbaha at landslide sa ilang mga lugar. Maraming buhay ang nawala dahil sa kalamidad na ito.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Isa sa malaking rason kung bakit ating nararanasan ito ngayon ay dahil sa aktibidad rin ng mga tao, kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura at hindi pag-alaga sa kalikasan.
Kaya trending ngayon sa social media ang larawan ng babaeng nagtapon ng isang timbang basura sa dagat sa bayan ng Tanza sa Cavite.
Ayon sa post ng facebook page na Cavite TV, may panawagan ito sa pamunuan ng nasabing lugar kung saan nasasakupan ang naturang dagat na tinapunan ng babae.
“BASURA, REKTA TAPON SA DAGAT SA TANZA!
Viral ngayon ang larawan na ito kung saan makikita ang babae na nagtapon ng isang timbang basura rekta sa dagat mismo. Ang pangyayaring ito ay nangyari umano sa bayan ng Tanza Cavite.
“Panawagan sa ating mga kababayan, ang dagat po ay hindi basurahan!”
Umani ng pangbabatikos ang babaeng nasa larawan dahil sa ginawa nitong pagtapon ng basura sa kalikasan.
“yan ang mga taong walang pagmamahal sa kalikasan”
“Si ate pasikat..sana wag bumalik sau ang tinapon mo”
“Some people trying so hard to clean up pero ito parang wala lang sa kanya effortless nag tapon ng basura.”
“Papulot lahat ng basura sa dagat sa babae nayan! Pasaway.”
“Aba..hindi nya alam ang salitang tama at mali”.
Sana ay wag pamarisan ang ginawa ng babae, bagkus tulungan nating maging malinis muli ang dagat kung saan ay diyan tayo kumukuha ng ating pangunahing pagkain sa araw-araw at kabuhayan ng karamihan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment