Isa sa mga kwalipikasyon upang matanggap bilang isang kasambahay ay ang pagiging masipag, maalaga, may alam sa gawaing bahay, maaasahan at higit sa lahat ay matapat.
May mga kasambahay na itinuturing na ngang kapamilya ng kanilang mga amo dahil sa nahuhulog na rin ang loob nila dahil sa kabutihan at katapatan nilang pinapakita.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Napakahirap rin ang ganitong trabaho lalo na’t mapapalayo ka sa piling ng pamilya mo, lalo na kung isa kang OFW. Kailangan talagang maging masipag ka at matapat dahil nasa ibang bansa ka, magkaiba ang ating mga paniniwala, batas at kaakibat na parusa.
You May Also Read:
Kaya napakalungkot ang balitang ito patungkol sa Pinay na domestic helper na nahuli ng kanyang amo sa pagnanakaw ng pera upang ibigay sa kanyang mga anak sa Pilipinas. Inamin niya rin sa kanyang amo na hindi ito ang unang pagkakataon na ito’y kanyang ginawa kundi sampung beses na.
Sa video, ang employer ay maaaring marinig na nagtatanong kung ang domestic helper ay nagnanakaw ng pera sa kanila. Inamin niya ito at sinabing ito ang pang-sampung beses na kumuha siya ng pera mula sa kanila upang ipadala sa kanyang anak sa Pilipinas.
Sinabi ng Pinay na kumuha siya ng 1000. Patuloy siyang humihingi ng tawad habang umiiyak ngunit tumawag na ng pulis ang kanyang amo.
Ito ay dapat na magsilbing aral at paalala sa lahat ng mga Pilipino OFW’s na nagtatrabaho sa ibang bansa na huwag basta basta gumawa ng hindi mabuti at bawal sa batas dahil hindi biro ang mga parusa ng mga ito.
Ang pagkakakilanlan ng mga Pinay ay hindi nabanggit sa video. Hindi rin nabanggit kung siya ay ipinadala sa kulungan o bumalik sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, ay inaasahan na pinauwi lamang siya ng kanyang amo at hindi sa mga pulis.
0 comments :
Post a Comment