7-Anyos na Batang Lalaki, Solong Inaalagaan ang Paralisadong Ama matapos silang Iwanan ng kanyang Ina.

Bawat magulang ay nangangarap ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak. Kaya kahit magkakandakuba man sila sa pagtatrabaho ay iniinda nila ito para lamang maibigay ang magandang kinabukasan para sa mga anak nila.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Subalit, hindi sa lahat ng oras na ang mga ninanais nila ay yun ang natutupad, dahil maraming pwedeng mangyari na hindi mo kontrolado at maaaring magpa-iba sa takbo ng buhay mo.

Tila naging baliktad ang nangyari sa mag-amang ito na mula sa baryo ng Wangpu sa Guizhou province, southwest of China, dahil imbes na ang Ama ang siyang magtataguyod sa kanyang anak, ang kanyang anak ang nag-aalaga sa kanya. Kinilalang si Ou Yanglin, 7-anyos ang bata.

Araw-araw ay gumigising si Yanglin ng 6 ng umaga upang alagaan ang kanyang ama. Halos mag-iisang taon na itong ginagawa ng bata.

Ou Tongming cares for his paralysed father around the clock | Daily Mail Online

Natutunan niyang magluto at mamalengke kahit na siya ay grade 1 student pa lamang. Pinapakain ni Yanglin ang kanyang ama bago ito pumasok sa eskwelahan.

Si Ou Tongming, 37, na ama ni Yanglin ay paralisado simula pa noong Hunyo 2013, dahil sa pagkakalaglag nito simula second floor ng isang bahay na under construction.

Nagkaroon ng injury sa kanyang likod si Tongming kaya paralisado siya simula beywang pababa.

Isinama ng asawa ni Tongming ang kanilang babaeng anak at iniwan sila nang maubos na ang kanilang naipong pera dahil sa mga biniling gamot.

Simula noong ay mag-isa ng inalagaan ni Yanglin ang kanyang ama. Pagkatapos ng eskwela ay naghahanap ito sa bangketa ng mga bagay na pwedeng niyang ibenta. Kumikita si Yanglin ng $4 o P200 kada isang araw at iniipon ito upang maidagdag sa $44 o P2225 monthly disability benefits ni Tongming.

“May father needs medicine, but I don’t have any money,” saad ni Yanglin.

Ou Tongming cares for his paralysed father around the clock | Daily Mail Online

Pag-uwi ni Yanglin ay siya narin ang mismong naglalagay ng gamot sa likod ng kanyang ama. Nagkaroon na ng bedsores si Tongming na nauwi na sa pagiging ‘ulcerated’ dahil sa palagi lamang itong nakahiga. Ang infection ay umabot na raw sa kanyang pelvis.

Bilang ama, alam raw ni Tongming kung gaano kahirap ang dinadanas ng kanyang anak. Naisipan na raw niyang kitilin ang kanyang buhay ngunit hindi niya ginawa dahil ayaw niyang maiwang mag-isa ang kanyang anak.

Samantala, gusto ni Yanglin na siya ay lumaki na kaagad upang makapag-ipon siya ng pera para sa treatment ng kanyang ama.

Ou Tongming cares for his paralysed father around the clock | Daily Mail Online

“I can’t live without my father,” sabi ni Yanglin.

Marami ang naantig sa istorya ni Yanglin at mayroong mga gumawa ng charity fund upang tulungan ang pitong taong gulang na bata.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment