May batas na sa ngayon na nagbibigay ng pantay na karapatan sa bawat tao at hinahadlanagan ang pagkakaroon ng diskriminasyon lalo na sa pag-aaply ng trabaho.

Kahit sabihin pa nating may batas, pero marami pa ring mga kompanya ang hindi sumusunod sa patakarang ito. Dahil kadalasan ang kanilang kwalipikasyon sa mga naghahanap ng trabaho ay ang pagkakaroon ng pleasing personality.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Kaya sa kadahilanang yan, nagawa ng isang binata mula Vietnam ang magpa surgery ng mukha upang matanggap sa mga inaplayang trabaho. Naging viral ngayon sa social media ang isang binatang nagpasyang sumailalim sa siyam na beses na pagpapa retoke o plastic surgery matapos ilang ulit na hindi tanggapin sakanyang mga ina-aplayang trabaho.

Binatang hindi matanggap sa trabaho dahil sakanyang itsura, nagpa retoke ng 9 na beses | Brigada News Philippines

Ayon sa 26-anyos na si Do Quyen, makailang ulit niyang naranasan na pagtawanan at tuksuhin dahil sakanyang hitsura. Naapektuhan rin nito ang kanyang self-esteem at tiwala sa sarili dahil kahit saang kompanya siya sumubok na mag apply, ay umuuwi siyang luhaan dahil hindi siya matanggap dahil lamang sakanyang pisikal na katangian.

Bagay na nagtulak sakanyan upang magpasyang sumailalim sa plastic surgery hindi lamang ng isa o dalawang beses kundi siyam na beses. Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Isang lalaki sa Vietnam siyam na beses na nagparetoke para lamang matanggap sa trabaho - Pilipinas Trending

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries. Aminado ang binata na tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.

Ayon pa kay Quyen, hanggat wala siyang natatapakang ibang tao wala siyang dapat na ikabahala lalo na at ito ang nakita niyang solusyon para maging masaya sa buhay at para mas mapataas ang kumpiyansa sakanyang sarili.

You May Also Read:

Sa Kauna-unahang Pagkakataon, Misteryosong “Well of Hell”Na Kinatatakutan sa Yemen,NAPASOK, May mga D1ablo nga ba at Genie sa Loob?


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment