Nakatagong ‘Paraiso’ sa Leyte na Floating Barangay, Nagpa-Amaze sa mga Vlogger. Silipin po!

Marahil marami pa sa atin ang hindi nakakaalam na mayroon palang isang floating Barangay sa Pilipinas at ito nga ay matatagpuan sa Leyte.

Naging tampok ang balitang ito sa isang travel vlog online tourism initiative na Now in PH. Dito tinalakay ang isang nakatagong paraiso na nasa Southern, Leyte at ito nga ay ang floating barangay sa Bato.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Narito ang buong pahayag mula sa isang artikulo:

Mula Baybay City, nagtungo pa-Timog ang duo content creators na sina Alden Escabarte at Victor Fidele Calunangan para sa isang hindi malilimutang adventure.

Floating barangay? Nakatagong isla sa Leyte, tampok sa isang travel vlog!

Isang oras na boat ride mula sa Bato port, mararating ang Dawahon Island, ang tinaguriang floating barangay.

Sa paglalahad ng hosts, aabot ng 4,000 ang populasyon ng isla na may lawak lang na limang ektarya.

Matatagpuan ang Dawahon sa pagitan ng sea borders ng Cebu, Bohol at Leyte kaya’t hindi kataka-takang mula sa mga probinsyang ito ang mga unang settlers sa isla.

Dawahon Island, Bato, Leyte, Philippines Page - Photos | Facebook

Kilala ang isla bilang pinakamalaking producer ng seaweeds sa buong Eastern Visayas region. Sa katunayan, taong 2014, 1.2 milyong toneladang seaweed ang naani mula sa kanilang local farms.

Samantala, kung travel goals lang naman ang usapan, ideal destination din ang Dawahon para sa mga sea trip enthusiasts!

Labinlimang minuto lang mula sa main islet, matatagpuan ang bagong bukas na resort Payag sa Dagat na literal na itinayo sa gitna ng napakalinaw at payapang Danajon Reef.

Kahit nasa gitna ng paraiso, kumpleto sa facilities maging sa wifi, karaoke machine, lounges at diving board ang nasabing resort.

Subalit sa ganda ng lugar, “live in the moment” ang pipiliing pasya ng bawat turistang dadayo pa sa resort na napapaligiran ng mayamang marine life at nakabibighaning sea aesthetics.

Kasunod namang nakisalo ang duo sa isang birthday celebration sa resort na naghain ng mala-piyestang handaan mula sa scallops, sea cucumbers at seaweeds o guso kung tawagin ng mga lokal na residente.

Sa pagtatapos ng travel vlog, hindi makapaniwala ang hosts sa kamangha-manghang hospitality ng mga residente ng Dawahon.

Kalakip ng paalala na alagaan ang kalikasan, hiling ng vloggers na abutan ng susunod na henerasyon ang nadatnan nilang paraiso sa Dawahon Islet.

Mula sa capital ng Leyte, Tacloban, tatlong oras ang gugugulin sa byahe papuntang Bato, Leyte.

You May Also Read:

Sa Kauna-unahang Pagkakataon, Misteryosong “Well of Hell”Na Kinatatakutan sa Yemen,NAPASOK, May mga D1ablo nga ba at Genie sa Loob?


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment