Dahil Sa Sobrang Hirap ng Buhay,Lalaki Matyagang Pinupulot ang mga Butil ng Bigas na Nahulog sa Kalsada Dahil Pewde pa raw Itong Hugasan

Ang mga Pinoy ay nasanay na sa pagkain ng kaning bigas, ito ang ating agahan, tanghalian at hapunan. Tila hindi mo na feel na ikaw ay nakakain na ng 3 meal sa isang araw kapag walang kanin na kinain.

Kaya ganun na lamang ang ating pagpapahalaga sa bawat butil ng palay na ating binibili sa tindahan. Kahit gaano man kahirap ang buhay, bawat pamilya ay nagsusumikap upang matustusan ang pangunahing pangangailangan.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Sa isang kahabag-habag na insidenteng namataan ng isang netizen ay makikita ang kahalagahan ng kahit isang butil ng bigas.

Long-butil na bigas: ano ang tamang pangalan para sa pinakamahabang iba't ibang, larawan na puting pang-butil

Namataan ni Kasthuri Patto ang isang lalaki sa labas ng kanyang tahanan sa may Batu Kawan, Malaysia na nagpupulot ng mga butil ng bigas sa kalsada. Sa kanyang pag-aalala ay nagdesisyon siyang lapitan ang lalaki upang tanungin kung ano ang nangyari. Nakita niya na isa-isang pinupulot ng lalaki ang mga bigas na nahulog sa kalsada.

Nagtataka ito kung bakit tinatyaga pa niyang pulutin ang bawat butil ng bigas samantalang napakahirap nitong pulutin lalo na at nasa kalsada na ito.

Nalungkot na lamang siya ng sabi ng lalaki na sayang raw kung hindi niya ito pupulutin dahil pwede pa raw itong hugasan at lutuin.

Napag-alaman na isang manggagawang dayuhan ang lalaki na hirap na hirap na sa sitwasyon mula nang maipatupad ang Movement Control Order (MCO) ng kanilang bansa  sa kasalukuyang taon. Ito ay nagsisilbing hakbang ng kanilang bansa para maiwasan ang lalong pagkalat ng C0V!D-19 sa kanilang mga mamamayan.

Natigil ang trabaho at kabuhayan ng karamihan dahil sa MCO, kaya naman lalong naghirap ang mga taong umaasa lamang talaga sa kakaunti nilang sweldo mula sa kanya-kanya nilang trabaho.

Ang lalaking nakita ni Kasthuri ay isa sa mga halimbawa ng mga lubhang apektado ng krisis at kung kailan naman ito nakabili ng kakarampot na bigas na pangkain sana nito at ng kanyang pamilya ay saka naman nabutas ang supot na dala-dala nito.

Imbes na iwanan na lamang ang nahulog na bigas dahil madumi na iyon kung tutuusin ay isa-isa nitong pinulot ang bawat butil. Ayon rito ay maaari pa rin naman daw makain ang bigas, kailangan lamang raw iyon hugasan nang mabuti.

Nahabag si Kasthuri sa lalaki kaya kinuhaan niya ito ng litrato upang maibahagi sa social media. Nais niyang mapagtanto ng mga tao kung gaano sila kaswerte kung sila ay hindi namomroblema sa pagkain kagaya ng lalaki.

Sa kabilang banda naman ay umaasa ang mga netizens na sana ay hindi lamang kinunan ng litrato ang lalaki kundi binigyan rin daw sana ito ng kaunting tulong kagaya ng pagkain. Walang patunay kung ano ang ginawa ni Kasthuri, gayunman ay nabanggit nito na dapat magtulungan tayong lahat lalong-lalo na sa krisis na kagaya ng nangyayari sa kasalukuyan.

You May Also Read:

Mga Ancient Mummy Coffins Sa Egypt, Sa Wakas ay Binuksan At Ito Ang Nakakamanghang Laman Sa Loob


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment