Hindi lang libangan ang hatid ng mga gadget at umuunlad na social media dahil pwede pa itong pagkakakitaan kung may sapat kang kaalaman.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Kadalasan sa ngayon ay makikita nating maraming naging kilala na mga vlogger/content creator. Gumagawa sila ng video o nagsusulat patungkol sa mga nagustuhan nilang content na nagbibigay kaalaman, aliw at kasiyahan sa publiko gamit ang kanilang gadget at magandang internet connection .
Pagalingan at pagandahan ng content ang dapat gawin upang makahakot ng maraming shares at likes sa publiko at may kaakibat itong halaga. Marami ng sikat na mga vlogger sa ngayon at mayroon namang nag uumpisa pa sa larangang ito.
Marahil ay marami na rin ang mga nahihilig sa panunuod ng “mukbang”. “Eating broadcast” ito sa salitang Ingles kung saan makikita ng mga manunuod ang mga “mukbanger” na kumakain ng sari-saring mga pagkain. Una nang nakilala ang South Korea sa ganitong mga videos, umaabot pa nga ng $10,000 sa loob ng isang buwan ang sweldo ng mga professional mukbangers o halos nasa Php483,675.00!
Hindi na nakapagtatakang marami talaga ang susubok sa trabaho na ito. Tulad na lamang halimbawa ng Chinese vlogger na ito na nagtampok ng “Octopus Mukbang” sa isa sa kaniyang mga live videos.
Sa umpisa ng video ay talagang makikita na ang paglingkis sa kaniya ng naturang “octopus”. Talaga namang napakahigpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang mukha, dahilan upang matakot, umiyak at magsisigaw siya.
Ilang minuto pa ang lumipas at natanggal na rin niya sa wakas ang “octopus” sa kaniyang mukha ngunit nagkaroon siya ng maliit na sugat sa kaniyang pisngi na ayaw mag-ampat ng dugo. Pinagsisihan ng husto ng vlogger na ito ang pagkain ng isang buhay na pugita sa kaniyang live video.
Sa halip na ma-enjoy ang kaniyang pagkain ay nagdulot pa ito ng takot para sa kaniya at pagkabahala sa mga taong makakapanuod ng kaniyang video.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment