Guro, Naantig sa Lolong Pinapayungan ang Mga Apo Upang Makasagot sa kanilang Modyul Sa Lugar na Mayroong Signal.

Upang maitawid ang pag-aaral ng mga kabataan sa panahon ngayon ng pandemya, isang paraan ng Deped ang magsagawa ng online classes at mga module upang mailayo ang mga kabataan sa peligrong maaaring kanilang makuha sa nasabing virus.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Distance learning ang tawag ng Deped sa paraang ito, gamit ang gadget at internet maaari ng makapag-aral ang bata. Hindi ito mahirap sa lungsod, subalit sa mga probinsya ay talagang mahihirapan sila sa paghahanap ng signal para sa kanilang connection.

Isa na marahil ang mag-lolo na ito sa nakakaranas ng karagdagang hirap dahil sa sistemang ito ngayong ng edukasyon dagdagan pa ang mahinang internet connection sa kanilang bayan.

Ayon sa gurona si Teacher Jorge Tejada na isang Senior High School ay madalas niyang mamataan ang mag-lolo na sina Arnulfo Teves, 71 taong gulang at apo nitong si Daniel na 12 taon gulang na nagtitiis sa isang liblib na lugar upang matapos lamang ang mga aralin ni Daniel. Nasa ika-pitong baitang na siya ngayon ngunit dahil nga sa pandemya ay kinailangan nilang danasin ang mahirap na sitwasyong ito.

Humingi ng pahintulot ang guro sa lolo kung maaari niya silang kuhanan ng larawan. Ayon naman sa lolo ay maipabatid sana ng guro ang kanilang kalagayan sa kinauukulan.

Araw-araw kasing naglalakad ng 30 minuto ang mag-lolo marating lamang ang liblib na lugar na ito kung saan mayroong mas malakas na signal. Kahit mahirap ay pinipilit pa rin ng matandang magabayan ang kaniyang apo sa kaniyang pag-aaral.

Maliban pala sa sakripisyong ito ng matanda ay siya rin ang bumubuhay sa kaniyang anak na mayroong kapansanan at sa tatlong mga apo nito. Katuwang ang kaniyang misis ay pilit nilang pinagkakasya ang Php5,300 nilang pensyon.

Marami naman ang mga netizens na naantig sa kwentong ito ng mag-lolo at nais nilang matulungan ang mga ito upang hindi na nila kailanganin pang umalis ng kanilang bahay araw-araw makahanap lamang ng maayos na signal para sa pag-aaral ng kaniyang apo.

You May Also Read:

83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment