Hindi lahat ng mga bayani ay yaong may super power at naka kapa, yung iba ay pasimpleng naglalakad lamang sa daan at handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Sila ay mga ordinaryong mamamayan na kayang e buwis ang buhay alang-alang sa kanilang kapwa.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Sa panahon ngayon isang malaking digmaan ang hinaharap ng ating mga tinuturing buhay na mga bayani katulad ng mga nurses, sundalo, pulis at ibang health workers na siyang lumalaban sa kaaway na hindi natin nakikita kailanman.
Ang mga nurse at doktor ay siyang may malaking responsibilidad sa ngayon at ang kanilang buhay ay nasa peligro dahil sa kinakaharap nating v1rus . Ngunit, kahit na ganito pa man ang kanilang trabaho buong tapang nilang hinaharap ito.
May isang nurse na kamakailan ay nagviral dahil sa kabutihang loob na pinamalas niya sa mga tao sa lansangan, kahit siya ay pagod sa kanyang trabaho, mas nakuha pa niyang maglakad at tumulong sa iba na kinahanga ng lubusan ng kanyang kaibigan.
Si Hafiz Marohombsar ay proud na proud sa kanyang natuklasan tungkol sa kabutihang ginagawa ng kanyang kapwa nurse sa mga kaawa-awang pulubi na nakatira sa kalsada, ayon kay Hafiz pauwi na sila ng katrabaho niyang nurse ng bigla siyang yayain na maglakad na lang pauwi total ay naiwanan naman na sila ng free shuttle na kanilang madalas sakyan pauwi, at imbes na mag-antay sa pagdating ng susunod na batch ng sasakyan ay pumayag na rin itong maglakad.
Dumaan sila sa 7/11 upang bumili daw ang babaeng Nurse ng mga pagkain at tubig na ipamimigay niya sa mga kaawa-awang homeless na kanilang madadaan pauwi. Gusto rin daw sanang tumulong ni Hafiz, gusto niyang bayaran ang kalahati ng mga napamili ng kasama niyang nurse ngunit hindi ito pumayag sa gusto niya. Sapat na raw ang tulong nito sa pagbitbit ng mga pinamili at ang pagsama niya rito. Nagkulang pa daw ang mga pinamili nila dahil sa dami ng mga nakatira sa kalsada kaya namili ulit sila at inabutan ang mga wala pa.
Ayon sa may mabuting loob na nurse, pangatlong beses niya na raw itong naglalakad pauwi at napansin niyang marami ang walang tirahan na tanging sa kalsada na lamang natutulog na talagang nakakaawa lalo na ang mga matatanda. Nag-aalala siya kong paano na ang mga ito at kung may kinakain ba ang mga ito. Paano sila ngayon? Lalo na sa sitwasyon ngayon.
Sa ginawa ng butihing nurse ay marami siyang natulungan at nainspired dahil kahit galing ito sa trabaho at medyo gabi na hindi niya ininda ang pagod at pinipili pa ring maglakad para makaabot ng tulong.
You May Also Read:
83-Anyos na Lola, Lumapit sa Isang Rider Upang Humingi ng P5.00 Pangkain Dahil sa Gütom!
0 comments :
Post a Comment