Sobra isang taon nang hinaharap ng buong mundo ang hagupit na dala ng pandemyang ito, isang mabilisang pagkalat ng v1rus na ikinamatay rin ng maraming tao.
Habang pinag-aaralan pa ang mabisang gamot at vaccine sa v1rus na ito, isa lang ang panawagan ng pamahalaan na sumunod sa mga health protocols upang maisalba ang buhay ng bawat isa. Ito ay ang palagiang pagsuot ng face mask at shield, ganun din ang pag obserba ng isang metrong layu sa bawat isa.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Subalit, di maiiwasang may mga taong matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa mga panukalang ito, ayon sa iba ay gawa-gawa lang naman ang v1rus na ito at ito’y simpleng sakit lamang na ubo at sipon, ginagawa daw ito ng iba para magkaroon ng maraming pera ang mga hospital at doktor.
Tila napakasamang pag-iisip naman po kung ganun ang pananaw ng iba sa atin, dahil sa laban natin ngayon mga Doktor at Nurses at iba pang Frontliners ang nakikipaglaban dito, at halos mismo kanilang sarili ay hindi maiiwasang maapektuhan nito at lalo na ang kanilang bawat pamilya.
Malaki ang pasasalamat na’tin sa kanila dahil bukod sa mga sundalo ay tila ibinubuwis din nila ang kanilang buhay o kalusugan para lamang sa taong bayan.
Ngunit, ang ilan sa atin ay minamasama ang kanilang ginagawang pagtulong. Iniisip ng ilan sa atin na umaayon lamang ang mga doktor sa laman ng bulsa ng kanilang pasyente at tila pera pera na lang daw ang nagiging kalakaran dito.
Ang mga doktor din ay isa sa mga taong naaapektuhan ng nangyayari ngayon sa bansa. Gaya na lamang ng isang doktor sa Philippine General Hospital o PGH na kinilala sa kanyang tweeter name na Kim Taekook @kmvin_.
Ibinahagi ng isang netizen na si Baby Aquino ang post ng doktor na ito sa tweeter. Ayon sa post ay binalaan ng doktor ang kanyang ina na sasailalim muli ang ilang lugar sa bansa sa Enhance Community Quarantine o ECQ. Sinabi nito sa kanyang ina na maghanda na at mag-stock na ng mga kakailanganin.
Ngunit ayon sa kanyang ina ay wala pa daw sahod ang kanyang ama. Nang malaman niya ito ay chineck niya ang balance ng kanyang salary ATM ngunit P1 lang ang laman nito o sa makatuwid ay walang laman.
Marami namang netizen ang nahabag sa sitwasyon ng doktor na ito. Isa siyang doktor ngunit wala din ni singkong duling na madudukot, paano pa daw ang mga simpleng mamamayan.
Sa panahon ngayon, kailangan na’tin na sumunod sa mga patakaran at panatilihing ligtas ang mga sarili at pamilya nang sa gano’n ay hindi na magpatuloy ang pagtaas ng kas0 ng mga nagkakaroon ng C0VID-19.
You May Also Read:
75-Anyos na Lola, Pamumulot ng Tira-tirang Palay ang Tanging Diskarte para umano may Makain.
0 comments :
Post a Comment