Lahat naman ng trabaho ay mahirap, pero sobrang kahanga-hanga itong mga Doktor natin dahil hindi lamang basta-bastang papel ang kanilang ginagawa na kapag nagkamali ay pwedeng burahin, buhay ng bawat tao ang kanilang sinasalba at kaunting mali lamang ay malalagay sa panganib ang buhay ng pasyente nila.
Kaya lalong hinangaan pa ng mga netizens ang isang 55-anyos na doktor na si Dr. Zhang Xinzhi mula sa Anhui, China. Nasagip niya ang buhay ng kanyang pasyente kahit na alam niyang hindi na magtatagal ang buhay ng kanyang ama.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Habang nakahiga ang kanyang ama sa kanyang higaan, tinawag ng kanyang pinagtatrabahuhan na ospital si Dr. Zhang upang sumalang sa isang emergèncy operati0n ng isang pasyente roon.
Kinailangan ni Dr. Zhang magdesisyon, kung maglaan pa siya ng ilang minuto sa kanyang ama o umalis muna para sagipin ang buhay ng isang pasyente. Pinili niyang sagipin ang buhay ng kanyang pasyente dahil ito ang kanyang propesyon, ang sagipin ang buhay ng iba.
Bago iwan ang kanyang ama ay sinabi niya na may nangangailangan ng tulong niya. Ngumiti naman ang kanyang ama sa kanya dahil alam niya kung anong klaseng propesyon ang mayroon ang kanyang anak.
Habang nasa kalagitnaan ng operasy0n si Dr. Zhang, nakatanggap siya ng tawag at sinabing pumanaw na ang kanyang ama. Labis niyang pinagsisihan ang hindi paglaan ng ilang minuto sa kanyang ama kahit alam niyang hindi na ito magtatagal.
Tahimik lang si Dr. Zhang habang nasa operasy0n at hindi sinasagot ang ano mang tawag dahil mas nagfocus siya sa kanyang trabaho at pagsagip sa buhay ng kanyang pasyente.
Nang matapos ang operasy0n ay hindi na napigilang ni Dr. Zhang na umiyak dahil sa pagpanåw ng kanyang ama. marami naman ang humanga sa kanya dahil mas pinili niyang sagipin ang buhay ng iba kaysa mamalagi pa sa tabi ng kanyang ama na mawawala na ano mang oras sa mundong ito.
You May Also Read:
75-Anyos na Lola, Pamumulot ng Tira-tirang Palay ang Tanging Diskarte para umano may Makain.
0 comments :
Post a Comment