Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dahil na -inspire ang karamihan sa ginawang community pantry na sinimulan sa Las Pinas, kung saan libre ang lahat ng mga bilihin dito basta’t ayon lang sa pangangailangan mo. Halos mula Luzon hanggang Mindanao ay nagsagawa na rin ng aktibidad na ito, kasali pa pati mga kapulisan na tinawag naman nilang Mobile Barangayanihan Community Pantry.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay napakabuti upang mabigyan at maitawid ng ating kapwa ang kanilang pangangailangan habang umiiral pa sa ngayon ang MGCQ, ECQ sa ibang lugar dahil sa pandemyang ito.

Subalit, kamakailan lamang ay may mga nakitang kababayan nating tila nilalamangan naman ang aktibidad na ito dahil inubos nila ang laman ng isang pantry.

Kaya ang mga nagbibigay o nagdodonate ng kanilang maitutulong ay may ginawa ring pa sorpresa na talaga namang ikinabigla ng mga nakakuha.

Nagulat mismo ang isa sa mga organizers ng community pantry sa Dinaga, Cuatro Esquinas sa Naga nang malamang may lamang pera ang ibinabahagi nilang supot ng asin.

Nalaman na na sa loob ng supot ng asin, natatabunan ang supot ng pera. Ayon kay Melody Miranda Conag, napansin nilang medyo malaki ang pagkaka-repack ng mga asin.

Ikalawang araw na ng kanilang pamimigay nang sabihin ng kanyang kaibigan nag-donate ng mga asin ang kanyang surpresa sa loob nito. “Sabi namin medyo malaki pagkarepack. Not knowing na pinaipitan nya pala ng cash donation sa loob ng asin para sa mga makakakuha.” Bumilib maging ang mga netizens sa nakaisip ng ganitong pamamahagi sa community pantry. Lalo na raw sa panahon ngayon na masyado nang maraming suliranin ang bawat isa dahil sa pandemya, malaking bagay na makakita sila ng surpresa sa loob ng supot ng asin na para talaga sa kanila.

Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba’t ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.

You May Also Read:

75-Anyos na Lola, Pamumulot ng Tira-tirang Palay ang Tanging Diskarte para umano may Makain.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment