Aminado tayong talagang may magagandang damit na nakukuha sa ukay-ukay, ang kadalasan pa sa mga ito ay branded at minsan lang din nagamit, o mukhang bago pa nga yung karamihan dito. Kung isa kang fashionista at mahilig mag ukay, tiyak marami kang makukuhang magagandang damit at nasa murang halaga.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Minsan sa ukay-ukay ay hindi kalang maswerte sa damit na yung nakuha, mayroon kasi mainsan na mga bagay na nakaipit dito, tulad ng mga singsing at minsan pa ay malaking halaga ng pera.
Katulad na lamang po sa naranasan ni Sandie Peteros na mahilig din sa mga ukay-ukay, minsan ay nakaukay daw siya ng jacket dahil gagamitin niya ito sa pag-akyat sa bundok, at maswerteng nakakita siya ng One hundred Hongkong dollars sa bulsa ng jacket at may halaga sa atin ng 650 pesos, sulit talaga ang kanyang pagbili rito.
Isang ukay-ukay vendor din na si Lorevie, katulad ni Sandie ng Lapu-lapu City ,Cebu ay madalas na nakakakita ng pera sa kada bundle ng damit na kanyang binebenta, mayroon daw 200 yuan at umaabot pa misan sa 700 yuan o limang-libong piso.
Subalit, ang isang vendor na mula sa Quezon City na kinilala kay Badang ay diumano nakakita ng anim na piraso ng 1,000,000 argentine pesos, mula daw ito sa damit ng kilalang fashion retailer shop na bumagsak sa kanyang ukayan, Umaabot sa 5 million pesos ang halaga ng pera ng e-check ng kanyang anak.
Dahil sa laki ng halaga ng pera, maraming mga plano si Badang para rito, una daw ay papagawa siya ng bahay nila, mga bayad sa utang at sa pag-aaral ng kanyang mga anak at ibahagi rin sa kanyang pamilya.
Ngunit, nakaka dismaya ng ito ay sinuri ng mga eksperto, ang halaga daw ng perang ito ay nasa 8,600 pesos na lamang sa ngayon base sa P617 na halaga nito noong 1983. Demonetized na rin pala ang perang ito at wala ng halaga, ito ay nakumpirma mismo sa embahada ng Argentina.
Malaking pera na sana, kaso wala na rin palang halaga, kung sakaling may bibili daw na mga money collector ay kanyang ibebenta para naman daw magamit niya.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment