Talaga ngang wala namang madaling trabaho na hindi tayo ,napapagod, dahil sa bawat salaping ating kinikita ito ay kapalit ng pawis na sa ating katawan nagmumula. Kung mahirap para sa ating walang kapansanan ang pagtatrabaho, paano nalang kaya sa katulad nila lolo na may kapansanan sa katawan?
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Kahanga-hanga si Lolo na nasa edad na 69 anyos, dahil sa kabila ng kanyang pagkabulag nakakaya pa rin niyang mangopra at magbalat ng niyog.
Sa palabas na “Kapuso mo, Jessica Soho” ay ipinakilala si Jr Velasquez o si Lolo Mano. Tiyak na nakakaantig ang kwento ni lolo dahil maaga pa lamang ay nagsisimula na itong magsibak ng kahoy na magagamit panggatong sa kanyang pagluluto. Ayon kay lolo ay kinakapa lamang nito ang kahoy na sinisibak at gayun din ang ginagawa nito sa kanyang paghihiwa ng gulay at pagluluto. Tunay na nakakabilib ay kung matatandaan ninyo ay isa ring bulag ang nanalo bilang Master Chef.
Isa pang nakakahanga kay Lolo Mano ay ang kanyang abilidad na makapagbalat ng niyog sa kabila ng kanyang edad. Kwento nito ay sinusundo ito umano sa kanyang bahay kung may kailangan balatan na niyog. Ito ang tumatayong pangunahing hanapbuhay ni Lolo Mano at nagpo-provide sa kanya ng kanyang kinakailangan upang makabili ng pagkain.
Ayon kay Jofrey Lamosnero, ang may ari ng koprahan, ay si Lolo Mano umano ang may pinakamabilis at pinaka malinis na magbalat ng niyog. Nakakapagbalat umano ito ng 1,000 niyog sa isang araw at 300 ang kita niya rito. Daig pa nito ang ibang tauhan na bata pa at may malinaw na paningin. Pagkatapos ng trabaho ay mag-isa nang umuuwi si Lolo Mano at hindi na nagpapahatid. Nakakaya naman nito umano ang magkalad pauwi dahil kabisado nito ang daan.
Isa sa mga nakakalungkot na dinanas ni Lolo Mano sa kanyang buhay ay nang mapagbintangan siya sa isang pangyayari. Napatunayan na wala namang ebidensya kaya hindi raw ito napatunayan ngunit pinalayas naman ito ng kanyang kapatid. Isang apo naman niya sa pamangkin na si Michelle Urabano ang kumopkop sa kaniya.
Ipinanganak ng may malinaw na paningin si Lolo Mano subalit nang dahil sa tigdas ay nagkaroon na ito ng ‘poor light perception’ at wala namang umanong pang pa-opera noon kaya tinanggap na lamang nito ang pagkawala ng kanyang paningin. Ayon kay Dr. Jose Fernando Cuevas ay delikado na raw umano na operahan si Lolo sa kanyang edad.
Nakakainspire ang pagpatuloy ni Lolo Mano sa kanyang buhay sa kabila ng kanyang kalagayan, kaya naman ay ipinagawa ng programa ang bahay ni Lolo Mano upang makatulong sa matanda.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment