Kilala ang mga Pilipino sa pagiging matatag sa lahat ng pagsubok yung kahit nasa bingit na ng trahedya ay nakuha pa ring ngumiti at kumaway sa kamera. Ganun din sa pagtatrabaho, walang pinipiling trabaho ang pinoy, basta’t ito ay marangal at hindi nang aapak sa karapatan ng ibang tao.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Mas mahalaga na mayroong pera at pagkaing mai-uuwi sa pamilya kaysa sa pride at hiya na iisipin mo, kaysa magutom ang pamilya mo. Lalo na sa panahon ngayon, dapat ay maging masipag at walang pili sa trabaho hanggat alam mong kaya mo ito.
Ngunit nakaka lungkot na mayroong ibang mga tao na may gana pang mangutya sa trabaho ng iba imbes na tulungan pa ito at hikayating maging matatag. Katulad na lamang sa kwento ng isang netizen na kanya ring ibinahagi ang naranasan sa kanyang social media account ng makasalubong ang dating kaklase ng high school siya ng siya ay papasok na sa trabaho.
Nang sila daw ay magkita siya ay kinamusta ng kanyang dating schoolmate at sinabi nito na na lagi raw siya nitong nakikita pag siya ay papasok sa trabaho.
Sambit din ng kanyang kaklase na nakikita rin daw siya nito na nag construction worker.
“Sayang naman pinag-aralan mo, Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko naranasan yan”. Dagdag pa raw ng kaniyang dating ka eskwela habang tumatawa.
Nakakalungkot isipin na mayroon mga tao na ganito ang pagtingin sa trabaho ng ibang tao. Imbis na puriin dahil gumagawa ng paraan para mabuhay sa kabila ng pandemiya at walang tinatapakang tao ay bagkus hinahamak pa.
Narito ang buong kwento:
Convo with SchoolMate (With Honors)
Nagkasalubong sa Kalsada…
SM: Uyyy Eddcel ? Kamusta? Araw araw kita nakikita nadadaan dito.
ME: Ok lang naman eto papunta work.
SM: Nakikita nga kita eh, nagcoconstruction ka lang diyan sa Dulo Sumapa.
ME: Ahh ganon ba, oo eh hehe wala ng reklamo lalo pandemic.
SM: Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)
ME: Speechlesss (Diskarte Lang Sa Buhay)
SM: HAHAHAHA
ME: Pano? Una na ako, baka malate ako eh. (Bike palayo sa kanya habang tumatawa Siya.)
Yung tipong habang nag Babike ka, napapa isip ka sa bawat salita na narinig mo mula sa Tao na yun. And what? Sobrang Sakit.
May KAYA sila sa buhay at Hindi habang buhay aasa SIYA sa Pamilya niya. May mga tao pading Idadown ka pero kailangan mo paring Magpatuloy.
Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan
Ps: Kaninang Umaga lang to. Papasok ako sa Work. For that Guy? God blesss you at sa Family mo.
Hindi ko ikakahiya kung ano ginagawa ko dahil dito ako Masaya at dito rin ako nakakatulong para sa Sarile ko at sa ibang tao at lalo sa Pamilya ko.
Dahil sa post nito marami ang mga netizens na nagpaabot magandang komento kay Edcel at para naman sa dati nitong schoolmate marami ang netizens nanagpaabot ng pagkasuklam dahil sa panghahamak nito.
0 comments :
Post a Comment