Marami ang naantig sa isang makatotohanang kwento ng sampung taong bata na si Reymark Mariano. Ang kanyang kwento ay na e feature sa programa ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho at umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Sa edad na 10, nag-aararo na at nagsasaka si Reymark kasama ang kanyang lolo. Kwento ni Reymark, bata pa lamang siya ay kasa-kasama na siya noon ng ama sa pag-aararo.
Sa kakapanood, natuto na rin siya nito hanggang sa sumapit ang edad niyang pito at sinubukan na rin niya ang pagsasaka.
Sa kasamaang palad, nagkaroon ng warrant ang kanyang ama at hiwalay na rin ang Ina nito sa kanyang ama , kaya naman siya na ang kasa-kasama naman ng kanyang lolo upang maghanapbuhay.
Sa tulong ng kanilang kabayo na si “Rabanos” inarao ni Reymark ang kanilang sakahan ng labanos. Hindi na raw kasi ito kaya ng kanyang lolo na bukod sa may edad na at nanghihina, may kalabuan na rin umano ang paningin nito. Aminadong napapagod na rin si Reymark sa kanyang gawain ngunit pilit niya itong kinakaya para sa lang may makain ang kanyang pamilya. Samantala, sa tulong ng programang KMJS, nabiyayaan ang pamilya ni Reymark na labis niyang ikinatuwa. Aniya, malaking tulong ito sa kanila kaya labis nila itong ipinagpapasalamat.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
“Grabe ‘yung luha ko noong napanood ko ito at napayakap ako ng mahigpit sa mga anak ko”.
“Wala akong ibang hiling kundi ang makamit sana ni Reymark ang mga pangarap niya sa buhay, deserve niya kasi yun… I will pray for him”
“Marami kong natutunan sa’yo Reymark, ‘wag kang mawalan ng pag-asa, pagpapalain ka ng Diyos dahil mabait at masipag kang bata na mapagmahal pa sa pamilya”.
0 comments :
Post a Comment