Ang mga karanasan natin sa buhay ay isa sa malaking leksyon na nagtututro sa atin kung paano maging matatag at matibay sa buhay. Kaya marami sa mga successful na kilalang tao sa ngayon ay may mga nakaka-inspire na kwento noong kabataan nila na ito ang naghubog kung paano nila nakamit ang ngayon.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Katulad na lamang ng batang ito na sa murang edad na 10-anyos ay natutong mamuhay ng mag-isa, siya ay batang Vietnamese na ulila na sa kanyang mga magulang.

Pumanaw ang ina ni Dang Vhan Khuyen habang nagtatrabaho ang kanyang ama sa malayong lugar bilang construction worker kaya’t kinailangan niyang manuluyan sa kanyang lola sa Vietnam.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay, siya ay nakakakain, nakakapag aral at nabubuhay. Sinabing maagang naulila si Dang sa kaniyang ina habang ang kaniyang ama ay kinakailangang magtrabaho sa ibang lugar kaya naman naiwan na lamang siya sa kaniyang lola.

Nakakalungkot lamang na binawian nang buhay ang kaniyang lola na kaisa- isang nag aalaga at nag aaruga sa kaniya dala ng katandaan. Hanggang sa nabalitaan din na sumalangit na din ang kaniyang ama dahil sa aksidente.

Sa isang iglap ay naglaho ang suportang inaasahan ng paslit sa kanyang ama at lola at wala rin sa kanyang mga kamag-anak ang nais na magkupkop sa kanya.

Namuhay ng mag-isa si Khuyen at nagsumikap na harapin ang araw-araw ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim sa isang liblib na lugar sa Vietnam.

Maliban dito ay umaasa rin ang bata sa kabutihang loob ng kanyang mga kalapit na bahay na minsan ay nag-aabot sa kanya ng makakain.

Sa likod nga pinapakitang katapangan, pag-aamin ni Khuyen ay hindi siya kumportable sa pagtulog nang mag-isa sa gabi kasabay ng mga sumisipol na hangin.

Kaugnay nito, nagpatuloy si Khuyen sa pag-aaral sakay ng bisikleta papasok at pauwi mula sa eskwela.

Sa pamamagitan ng isang guro na tumulong kay Khuyen sa paghahagilap ng pera pambayad sa pagpapalibing ng kanyang ama, naipaabot sa mga awtoridad at media ang kalagayan nito.

Marami ang naantig at humanga sa paslit kaya’t dumagsa ang suporta at donasyon habang ang iba ay nag-alok ng pagkupkop sa kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment