Isang Pulubi, Nakabili ng Brand New na Motor mula sa mga Naipon sa Panlilimos sa Kalsada-Trending.

Kadalasan na makikita natin sa kalsada ay mga palaboy-laboy na mga kabataan, matatanda na tila wala ng mga pamilya at mga taong may mga kapansanan na humihingi ng limos upang maitawid ang kanilang pang-araw araw na kumakalam na sikmura.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Ngunit ang paniniwala natin na ang kanilang mga kinikita sa araw-araw ay sapat lamang o minsan nga ay kulang pa para sa mga pagkain nila, ay taliwas pala ito dahil may ibang mga nanlilimos na napupunta lamang sa kanilang bisyo at luho.

Kung atin ngang ki-kwentahin, baka malaki pa nga yung kinikita nila kaysa atin kung mas sipagan pa nila ang panlilimos sa kalsada. Katulad na lamang sa lalaking ito na tiyak ikagugulat nyu ang kanyang ginawa.

Ang lalaking ito ay nakaipon sa panlilimos ng malaking pera at nakapag pundar ng sarili niyang motor ito ay dahil sa mga barya-baryang binibigay sa kanya ng mga tao na hindi naman niya kakilala.

Dahil dito tila naging instant celebrity ang lalaki matapos mapag-usapan sa social media ang kanyang kwento at larawan.

Makikita din naman sa larawan na ito kung saan siya ay kinukuhanan ng mga litrato habang hawak-hawak ang mga papeles at titulo ng kanyang bagong biling motor.

Sa ipinost ng Netizen na si Hannah Nicole Febra makikita ang isang larawan ng motor umano ng lalaking pulubi at may caption na “Isang Hamak lang na pulubi!! Pero nakabili ng motor! Dahil lang sa paghingi-hingi niya ng teg lilimang piso!!”

Maraming netizens naman ang bumilib sa ginawa ng Lalaki matapos mabasa nila ang istorya nito na sa kabila ng kahirapan at estado ng kanyang buhay ay nagawa parin niyang dumiskarte at magsumikap.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment