Hindi biro ang trabaho ng mga kababayan nating OFW at isang Domestic Helper, aniya ng iba, mahirap ang trabaho sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas, duon daw ay parang trabahong kalabaw ang gagawin mo at kaunting oras lamang ang pahinga. Kaya maraming mga kababayan nating bagsak ang pangkalusugang kondisyon ng kanilang katawan.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Maliban sa lungkot dahil malayo sa pamilya, hindi maiiwasang madapuan ka pa ng mga sakit at karamdaman na walang mag-aalaga sa iyo kundi sarili mo.

Halimbawa na lamang nito ay ang patungkol sa ,post ni Cess Del Rosario,humihingi ito ng tulong para sa kanyang kaibigan na si Ruby Reyes Teñoso dahil sa hindi malamang sakit nito. Kwento pa ni Cess sa kanyang post, taong 2018 nang ito ay magpunta abroad, ngunit nang bumalik si Ruby sa Pilipinas ay nagkaroon na ito ng sakit.

Unang findings sa kanya ng doktor sa abroad ay may såkit ito sa kanyang baga. Makikita kay Ruby na pumayat ito nang siya ay makauwi. Nagpagaling si Ruby at nakapagtrabaho muli dito naman sa Pilipinas. Ngunit, ilang buwan lamang ang nakakalipas ay nakaramdam ito ng pananakit ng leeg at pamamanas.

Dahil dito ay sa kama na lamang siya nagpapahinga. Ayon pa sa post, ilang taon na hindi nakapagpatingin si Ruby sa doktor dahil sa kakapusan ng pera. Idinala na din si Ruby sa albularyo ngunit wala pa din itong nagawa at hindi pa din siya gumaling.

Narito ang post ni Cess Del Rosario sa kanyang facebook:

“Humihingi po ako ng tulong para sa kaibigan namin na si Ruby Reyes Teñoso. Kasalukuyan po syang nasa ospital sa Tacano. Hindi po malinaw saamin kung ano talagang naging sakit nya sapagkat simula po ng mag abroad sya year 2018 pag balik nya may sakit na sya. Ang sabi sa ospital na napuntahan nya may problema lang sya sa baga. Pero pag dating nya dito sa Pilipinas sobrang payat nya. Nagpagaling po sya dito nakapag trabaho pa sya at nakabawi pero paglipas ulit ng ilang buwan bumalik na naman yung sakit nya namanas na sya at lagi ng masakit yung leeg nya. Simula nun di na sya nakabawi naging bed ridden na sya ng ilang taon di narin sya nakapag pagamot dahil sa kakapusan ng pamilya. Lumapit na rin sya sa ilang albularyo sa pag asang gagaling pa sya. Hanggang ngayon di po malinaw samin ang naging sakit nya. Sana po matulungan nyo kami na kahit papano maitawid namin yung magiging gastos nila sa ospital. Kahit magkanong maiaabot nyo ay malaking tulong na po. Maraming Salamat

Sa lahat po ng magpapaabot ng tulong dito na lang po kayo magsend kahit magkano lang po sobrang laking tulong na po iyon. MARAMING SALAMAT PO Pashare narin po para po makarating po kay Sir Raffy Tulfo.
GCASH – AILENE DEL ROSARIO 09126693079″

You May Also Read:

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment