Sa panahon natin ngayon na napakabilis lamang maka access sa mga impormasyon dahil sa mga makabagong teknolohiya at mga apps, mas mabilis makita ang mga kamag-anak na nawawala dahil sa social media, gayundin mas naging makatao tayo dahil sa pagbigay ng agarang tulong sa mga taong salat sa buhay , dahil nalalaman natin ito base sa mga post ng ilang mga netizens.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Katulad na lamang sa isang naiulat na matanda na si Lola Felicidad Cabuena, siya nalamang mag-isang naninirahan sa lumang bahay at nasa liblib na lugar ng Ilocos Sur. Nagpag-alaman din na matandang dalaga si Lola kung kaya’t mag-isa na lamang itong namumuhay.
Si Lola Felicidad din ay 101 anyos na ngunit ito ay patuloy pa rin na nagtatrabaho sa bukid base sa ulat ng I-Witness.
Ani Lola Felicidad,
“Hindi ko gusto ‘yung laging nakaupo, walang trabaho.”
Dagdag niya,
“Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho.”
Sinabi din ni Lola Felicidad na walang sinomang lalaki ang nagkagusto sa kaniya noon dahil wala naman siyang ganoong itsura na hinahanap ng mga kalalakihan kaya naman siya ay tumandang dalaga at pinili na lamang mamuhay ng mag isa at tumulong sa kaniyang pamilya.
Sabi ni Lola,
“Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko.”
Pagpapatuloy niya,
“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano.”
Base kay Regin Cabico siya ang naging tagapag alaga ni Lola Felicidad. Nang alagaan niya ito ay nasa 94 taong gulang na ito. Malayong kamag-anak ni Lola Felicidad ang napangasawa ni Regina. Sa kaniya namang sweldo sa pangangalaga sa matanda, ang mga pamangkin naman ni lola ang nagbibigay sa kaniya ng pera.
Ang lumang bahay ni Lola Felicidad ay puno din ng mga litrato ng kaniyang mga mahal sa buhay. Sinabi din ni lola na isa siya sa mga tumulong na maging matagumpay sa buhay ang ilang miyembro sa kanilang pamilya.
Saad ni Lola Felicidad,
“Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?”
Kahit na si Lola Felicidad ay mag-isang namumuhay sa kaniyang payak na buhay, siya naman ay nagsisilbing isang malaking biyaya para sa kaniyang pamilya dahil sa mga tulong na handa nitong ibigay para sa mga ito. Subalit sa kabila ng kaniyang mga naibigay na tulong ay wala man lang sumama sa kanya at nag-alaga sa kanyang pagtanda.
0 comments :
Post a Comment