Bilang isang magulang ay doble ang hirap kapag nakita mong nagkakasakit ang kanilang mga anak. Kung pupwede nga lang ay sila na lamang ang aako sa sakit ng kanilang mga anak, Yan ang pagmamahal na lubos ng isang magulang.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Talagang napakagastos magkasakit, kaya mas mag-ingat pa lalo tayo sa panahon ngayon. Mayroong mga sak!t katulad ng asthma na nakukuha mula pagkasilang pa lamang o inborn. Kaya naman ang gamot o maintenance para sa mga ito ay talaga namang mabigat sa bulsa.
Ang 8 taong gulang na bata na si Lee Begnotea ay na-diagnosed na mayroong bronchial asthma noong siya ay 2 taong gulang pa lamang. Kaya sa tuwing naeexpose siya sa mga allergens at inaatake siya nito ay nahihirapan siyang huminga.
Ngunit imbes na nine-nebulize sana siya ay gumagamit na lamang ang kanyang ama ng tire pump o pambomba ng gulong na ikinonekta sa tubing patungo sa nebulizer cup at mouthmask. Sa paraan kasi na ito ay nadi-difuse ang nebule upang hindi na mahirapang huminga si Lee.
Noon ay mayroong ginagamit na nebulizer ang bata ngunit simula ng masira ito ay hindi na ito napalitan gawa ng kapos sila sa pera lalo na’t ang kanyang ama ay kakaunti lamang ang kinikita sa pagkokopra. Ang kanyang ama lang rin ang tanging bumubuhay sa kanilang pamilya dahil ang nanay ni Lee ay kailangan siyang tutukan at alagaan.
Payo sa kanila ng doktor na hindi safe ang paggamit ng tire pump dahil mayroon pa ring mga kemikal na maaaring sumama sa hangin na nailalabas nito at maaaring makasama pa sa kalagayan ng bata. Ngunit dahil wala naman silang pambili ng bagong nebulizer ay tinitiis na lang muna ito ni Lee.
Sa tuwing ginagamit ang improvised na nebulizer, ay dahan-dahan itong binobomba ng kanyang ama sa loob ng 5 minuto hanggang guminhawa ang paghinga ni Lee.
“Kasi minsan, sumasama yung anak ko sa trabaho. Wala namang kuryente doon. Yun, dinadala ko yung bomba. Pag inatake, nahirapan siya ding maghinga,” wika ng ama.
Samantala, isang netizen ang nagpost sa social media tungkol sa kalagayan ng bata. At sa kabutihang palad ay nakaabot ang istorya ni Lee sa mga kinauukulan. Kaya naman mayroong mga taong nag-abot ng tulong sa bata pati na rin sa kanilang pamilya.
Nabigyan rin siya ng bagong unit ng nebulizer upang hindi na muling gamitin ang tire pump bilang pang-nebulize. Nagbigay rin sila ng mga gamot para sa kondisyon ng bata at nahandugan ng scholarship hanggang sa siya ay magkolehiyo.
Sana ay patuloy ng bumuti ang kalagayan ni Lee.
0 comments :
Post a Comment