Naging pamilyar ang karamihan sa atin patungkol sa isang biblical story na Noah’s Ark. Simula pagkabata ay naging laman na ito ng mga bible study kung saan kinikwento ang pangyayari noong unang panahon kung paano naligtas ang iba’t-ibang uri ng hayop sa pamamagitan ng arko. Marami pa ang tumatawa noon kay Noah dahil sa kanyang paggawa ng malaking arko sa gitna ng mainit na panahon.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Subalit dumating ang isang di inaasahang delubyo kung saan umulan ng matagal at tumaas ang tubig, marami ang umaasang makapasok sa Arko ni Noah upang maligtas.
Dahil sa magandang estorya ng Arkong ito ,naging inspirasyon ng isang lalaki na taga Netherlands na lumikha ng isang replika ng Noah’s ark.
Sa ganda at elegante ng natapos niyang ark ay madami ang gustong makapunta dito. Sino kaya ang tao sa likod ng Noah’s Ark na ito?
Siya si Johan Huibers, ang lumikha ng replika ng Noah’s Ark na makikita ninyo sa mga susunod na larawan. Ayon sa kanya ay napanaginipan lamang niya ang paggawa nito at noon din ay nagsimula na siyang gumawa hanggang sa nagtagumpay siya sa paggawa ng naturang arko,
Siya daw ay nakagastos ng $1.6 million o mahigit 80 milyon pesos.
Ang arkong ito ay may limang palapag na may sukat na 75 na talampakan. Mayroon pa nga itong media room para sa mga bisita na gustong makinig sa istorya ng Noah’s Ark at mayroon din itong restaurant sa loob.
Upang maihalintulad talaga ito na parang sa totoong istorya ng Noah’s Ark ay pinasadya pa itong ukitan ng mga hayop sa buong dingding ng 5 palapag na arkong ito. Mga elepante at alligators ang makikita ninyong nakaukit sa replika na ito.
Ang replikang ito ay isang paalala sa ating lahat na magtiwala sa panginoon at e hayag ang ating mga saloobin at problema, kaulad ni Noah na gumawa ng Arko kahit pa man marami ang hindi naniniwala sa kanya, subalit mas sinunod niya ang utos ng panginoon na walang alinlangan.
Hindi man natin siya pisikal na nakikita ay nandyan lamang siya lagi sa ating tabi upang tayo ay araw-araw na gabayan. Palagi lang tayong magdasal at mas lalo pang patatagin ang ating pananampalataya at paghingi ng kapatawaran. Dahil kung wala ang Panginoon sa ating buhay ay wala tayong silbi dito sa mundo.
0 comments :
Post a Comment