Marami sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makaahon sa kahirapan at matupad ang kanilang mga tanging pangarap sa pamilya. Kadalasan nga sa kanila ay nagtatrabaho bilang isang Domestic Helper at sumasahod lamang ng nasa 20k-30k kada buwan, ngunit ito ay malaking tulong na para sa kanilang mga naiwang pamilya.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Ngunit, napahanga naman ang karamihan ng mapabalitang may isang Pinay na kumikita ng halos nasa P226K kada buwan sa pamimitas lamang ng prutas.
Iyan ang trabaho ng Pinay sa Australia na kinilalang si Mariel Larsen. Na kumikita ng PHP226K kada buwan sa pamimitas ng prutas.
Apat na taon nang namamalagi si Mariel sa nasabing bansa at doon na din niya nakilala ang kanyang mister na isang fruit picker.
Kaya naman para makatulong din sa gastusin para sa kanilang pamilya. Ay pumasok na din si Mariel sa trabaho ng kanyang asawa.
At tumataginting na AU$3,000-AU$6,000 kada buwan, o ang katumbas ay PHP113,000-PHP226,000 ang kanyang kinikita.
Sa isang panayam ng GMA saad ni Mariel, “Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia”
Kwento pa niya hindi rin daw ganun kadali ang kanilang trabaho. Dahil kinakailangang punuin nila ang malalaking bin. Na 300-500 kilo ng prutas ang kailangan para mapuno ito.
“By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo, dahil nakatayo po kayo [buong araw] and then mabigat po yung bag.”
Mayroon na din daw silang mga suki na mga farm na every year nilang pinupuntahan. “May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba’t ibang prutas na tinatrabahuan po namin.”
Malaki man ang kita ni kabayan, ito ay bunga lamang ng kanyang hirap at pawis sa araw-araw, kaya ating palaging isipin na walang umaasenso sa mabilisan na paraan at hindi pinagpuyatan. Kaya laban lang!
You May Also Read:
Matandang Babae, Hinuli, Iginapos at Sinabuyan ng Asin Matapos mapagkamalang “Aswang”
0 comments :
Post a Comment