Ang bansang Pilipinas ay tinawag na Pearl of Orient na hinango mula sa salitang Espanyol. Nagmula ang ideyang ito sa isang Spanish Jesuit Missionary na si Fr. Juan J. Delgado noong taong 1751.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Ibinigay ang pangalang “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” ni Fr. Delgado nang matagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking perlas na nasusulat sa kasaysayan ng buong mundo. Kasalukuyan pa ding nasa kamay ng Palawan sa Pilipinas ang Pearl of Lao Tzu.
Alam naman nating lahat na may halaga ang mga perlas na ating nakukuha sa dagat, di nga lang alam kung magkano ba talaga ang mga ito basi sa kanilang indibidwal na katangian at kaanyuan.
Kamakailan lamang ay ibinalita na may isang mangingisda na nagsauli ng perlas na may timbang na 75 pounds na mas malaki kaysa sa unang natagpuan sa Palawan.
Sampung taon na ang nakakalipas na may hindi kilalang mangingisda ang nakatagpo ng hignteng perlas sa baybayin ng Palawan Island.
Subalit ang malungkot ay wala siyang kahit anong ideya patungkol sa kapalit na halaga ng kaniyang nakita.
Imbis na ibenta ay ginawa niya na lamang itong palamuti sa kaniyang kahoy na bahay. Ngunit tinupok lamang ito ng sunog na nagtulak sa kaniya upang lumipat ng tahanan.
Ang naisalbang higanteng perlas ay ipinagkatiwala na lang niya sa kaniyang tiyahin na isang opisyal na turismo kaya agad naman nilang natuklasan na ang perlas na ito ay galing sa isang higanteng clam.
Ayon pa sa kaniya, labis na pagkamangha ang kaniyang naramdaman nang unang makita ang perlas na dinala ng kaniyang pamangking mangingisda.
Sa tulong ng mga gemologist, napatunayan na tunay nga ang perlas. Ang nakakalulang kapalit na halaga ay tinatayang $100m o 5 Bilyong Piso.
Ito ay unang ipinakita sa isang tourist attraction sa Puerto Princesa sa Palawan City Hall. Ngunit sa kasalukuyan, ito ay nasa hindi pinangalanang kilalang museo sa New York.
0 comments :
Post a Comment