Bayani Agbayani at Billy, Muntikan ng Magsapakan sa Kanilang Noontime Show, Mga Kasamahan nila ay Lubhang Nabahala.

Halos kinabahan ang mga manunuod sa pinakita nila Bayani Agbayni at kanyang Co-host na si Billy Crawford sa kanilang Noon time show. Naku, isa lang palang prank.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang tinutukoy ay ang away nina Billy Crawford at Bayani Agbayani na nangyari sa noontime show nilang na Lunch Out Loud sa TV5 na ipinalabas noong nakaraang araw.

Sinadyang abangan ang programa dahil sa kumalat na video nitong Lunes ng gabi na inakala nga mga nakapanood ay totoong nangyari sa taping nila.

May binabasa si Billy sa kanyang cellphone ng biglang tabigin siya ni Bayani at sinabihang, “Tama na! nagagalit na nga ang misis ko sa ‘yo, eh.”

Sabay umalis ang komedyante sa stage at tila may balak pang mag-walkout.

Naiwan namang nakanganga ang ibang hosts ng programa na sina KC Montero, Wacky Kiray, Valerie Concepcion, Macoy Dubs, Ariel Rivera, Jeff Tam at Alex Gonzaga.

Base sa napanood naming video wala that time ang isa pang host ng show na si K Brosas.

Tumatalak pa rin si Bayani habang pinipigilan siya ng babaeng staff at ilang marshall na nasa loob ng studio.

Pero biglang sumugod at nakahanda naman si Billy kung sakaling magsusuntukan sila.

Hindi naman kumikibo sina Macoy, Alex, Wacky, KC, Jeff Tam. Si Valerie ay idinaan na lang sa tawa ang naramdamang nerbiyos samantalang si Ariel naman ay sinabihan ang dalawa na “Tama na.”

Maya-maya ay tumawa na si Billy at gayun din si Bayani at sabay sabing na-prank nila ang mga kasamahan sa show. Sabi pa nila, ang mapikon daw ay talo.

Sa totoo lang marami ang naniwala na totoo ang away ng dalawa, Totoong-totoo kasi ang akting nina Billy at Bayani sa kanilang prank.

Pero ang sabi naman daw ng mga taga-production ay wala silang ideya sa drama nina Billy at Bayani kaya pati sila ay nagulat sa nangyari.

May ganu’n? Pampataas ba ito ng ratings? Kailangan talagang may kunu-kunong away para pag-usapan ang Lunch Out Loud? Sabi ng ilang mga netizens.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment