Mag-asawang Naglakas-Loob na Nagtayo ng Coffee Shop sa Gitna ng Palayan, Kumikita ngayon ng Halos P50K Kada-araw.

Kung hindi mo raw susubukan ay hindi mo ito malalaman, yan ang kadalasang naririnig natin sa mga taong pursigidong magkaroon ng sariling negosyo.

Heto ang naging karanasan ng mag-asawang ito sa kanilang pagtayo ng negosyo. Ibinahagi ina Rozelle Mae Benedito at Mawi Mendoza Rillorta ang kanilang ideya na magtayo ng coffee shop sa gitna ng palayan, marami ang taong nagduda sa kanilang plano.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Nang sabihin ng mag-asawa na gagawin nilang coffee shop ang kanilang 500 sqm property sa Pangasinan, marami silang natanggap na iba’t-ibang negatibong komento.

“Mga friends po tsaka mga tao po dito, ‘yon po ‘yong sabi nila na, ‘bakit magpapatayo dito’, ‘sino pupunta jan’, ‘sobrang layo’, ‘walang magiging customer ‘yan’,” pahayag ni Rozelle sa Philstar.

Ayon sa pahayag ni Mawi, sila lang ang naniniwala sa kanilang sarili noong mga panahong iyon wala daw ibang tao ang sa kanila ay sumusuporta.

Binuksan nila ang kanilang tindahan na Ag.KAPI.ta noong Hulyo 2021, kahit na tayo’y nasa gitna ng pand3mya na ating kinakaharap. Ang kanilang panimulang kapital ay P1 milyon.

Ibinahagi ng mag-asawa na mahirap ang pagtatayo ng coffee shop dahil sa lokasyon nito.

“Isa pa po na struggle ‘yung sa pag-construct kasi nasa gitna po kami ng bukid. Ang time lang po talaga namin na summer. So pinaka-time lang po namin starting po ng April tsaka May, ‘yun lang po. ‘Yon lang po yung pwede kami magpa construct ma’am, kunwari may babaguhin po kami. Di na po kami pwede magpasok ng materyales, ng gamit,” ayon sa mag-asawa.

Ang  kanilang pagsisikap ay nagbunga ng maganda at napatunayang mali ang mga nagdududa sa kanilang mag-asawa.

Sa kasalukuyan ang kanilang coffee shop ay kumikita na ngayon ng P50,000 a day. Pinalawak din nila ang kanilang mga tauhan sa 15 na manggagawa upang ma-accommodate ang kanilang mga customer.

Hinamon ng mag-asawa ang mga gustong makipagsapalaran sa negosyo subalit nagdadalawang-isip parin.

“Paano mo malalaman kung di mo susubukan?” diin ang mag-asawa.

“Habang nagiisip po kayo, pakinggan din po natin ‘yung puso natin kasi mas maganda kung buong puso mo gagawin ‘yong design. Parang si misis, actually di naman niya magagawa kung hindi niya mahal ‘yung ginagawa niya,” pahayag ni Mawi.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment